Hindi ko alam kung pano sisimulan to.
Wala akong mapagsabihan kahit yung malalapit na kaibigan ko kasi takot akong mahusgahan.
Kaya siguro dito ko na lang sasabihin, kailangan ko lang talagang maghinga ng nararamdaman.
Ang totoo nyan, hindi ko namalayan nahuhulog na ako sa isang pamilyadong tao.
Tama. Alam kong mali pero hindi naman ganito yung gusto kong mangyari.
Magkaibigan kami since 2017.
Sabihan ko sya ng problema, ganun din sya sakin. Para lang kaming magkapatid. Minsan nya pa ngang sinabi na siguro parang tatay na ang tingin ko sa kanya kasi mas matanda sya sakin..Simple lang non.
Hanggang sa mas naging close pa kami. Noon ko nalaman na malaki na pala ung problema nya ng asawa nya kahit before pa kami nagkakilala. Sabi nya alam nyang may iba na sya pero pilit nyang iniintindi kasi may mga anak sila. Kahit wala akong alam sa mga usaping ganun sinasabi ko na kayanin nya alang alang sa mga bata.
Naging constant ung pag uusap namin, lalu na kapag may problema sila, sakin sya lumalapit. Wala lang naman sakin un kasi kaibigan ko nga sya. Minsan nga binibigyan ko pa sya ng idea kung pano susuyuin ung asawa nya, isurprise tuwing anniversary at valentines. There were good days sa kanila pero mas nangingibabaw pa rin yung mga pagtatalo, hanggang sa napagod sya and gave up on trying.
At that point dinistansya ko rin yung sarili ko sa kanya kasi baka isa sa mga reasons na nagkakalabuan sila kasi gawa ng mga kaibigan nya, which he said no. Pero i still kept my distance, una kasi ayaw ko na ngang makigulo at pangalawa nararamdaman ko na parang nag iiba yung tingin ko sa kanya. Tinago ko sa kanya yung reason na yun kaya ako lumayo, sinabi ko lang na siguro time na para sya naman sa sarili nya ung umayos sa kanila.
Then na destino sya abroad for 6 months, during that time minsan lang ako sumagot sa mga kamusta nya. Di na kami kasing close nung dati, which I thought was for the best na rin.
Akala ko okay na, hanggang sya bumalik sya.
Panay ang tawag nya sakin. Gusto nya kong makita. Gusto nyang lumabas. Pero palagi akong nag a alibi. Hindi ko sya kayang makita kasi baka yung pinilit kong baguhin sa loob ng anim na buwan masayang lang.
Pero mapagbiro talaga ang tadhana.
May isang party kami na kailangang puntahan at after almost 7 months nun ko lang ulit sya nakita. Naging casual lang kami sa isa't isa. Kamustahan, kwento about ganito, about ganyan. Lumipas ang gabi na parang normal lang, hanggang sa nalasing sya. Dun na kami nag sleepover sa bahay nung isang kaibigan namin. Marami kami nun. Papunta pa lang kami sa bahay, panay na ang sabi nya sakin na hindi sya okay. I just nodded kasi alam kong lasing lang sya.
Nung matulog na ang lahat, pinuntahan nya ko kung san ako nakapwesto. Tumabi sya sakin, amoy ko pa yung alak sa kanya pero hindi na sya lasing magsalita. Bumangon ako para lumipat sana ng pwesto pero hinila nya ako at niyakap. Isang matagal na yakap. Sabi nya matagal nya ng gustong gawin yun. Sana ngaun daw hayaan ko muna sya. Ayoko nung una pilit kong tinatanggal yung mga kamay nya pero nung nakita ko yung mukha nya, di na ko nakalaban pa. Kasi deep inside me, may part ng puso ko na sinasabing hayaan ko sya. I never felt so safe and secured. Pakiramdam ko walang kayang manakit sakin. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Parang ayoko ng matapos ang gabing yun. Nakatulog kami na magkahawak ang kamay, pero nung alam kong malapit na ang umaga umalis na ako at iniwan ko na sya. Alam kong yun lang yun. Hanggang dun na lang yun.
Pagkatapos nun pinilit kong maging normal kapag nasa paligid sya. Katulad lang din ng dati. Pero hindi pala mangyayare yun.
Ngayon palagi syang nagtetext at tumatawag. I tried ignoring his calls pero balewala kaya hinayaan ko nalang. Palagi nyang sinasabi sakin ngayon yung nararamdaman nya na sana kasama nya ako, pero makikita ko rin yung mga posts nya about sa pamilya nya. Alam kong mali pero nasasaktan ako.
Ang sakit pala nun. Minsan kana lang ulit makaramdam ng ganito, sa maling tao pa. At wala naman akong karapatang sa kahit ano dahil kahit anong mangyare hindi kami pwede.
Gusto kong lumayo ulit. Pigilan kung ano man yung nararamdaman ko, pero hinahanap hanap pa rin sya ng puso ko. Ang hirap kasi mali talaga e. Sobrang mali.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ang mga puso'y wag nating pahirapan. Sumuko na sa laban,hindi tayo pwede."