The Breakfast Club
panunuring pampelikula
TEMA
Ang pelikulang ito ay may pamagat na "The Breakfast Club". Ang buong palabas ay umiikot sa pagadetention ng limang studyante. Sila ay binigyan ng papel para sulatan ng sanaysay na hindi bababa sa 1000 salita. Sa walong oras nilang magkakasama, nakahanap sila ng karamay at bagong mga kaibigan at ka-ibigan.
Layon ng pelikulng ito na maipakita sa mga manonood ang iba't-ibang buhay mayroon ang mga studyante, ung paano nila ito hinaharap at kung paano silang nakukulong dito. Lahat ng bagay ay may dahilan, at hindi natin malalaman yon sa paghusga base sa kanilang pisikal na anyo. At pinapakita rin ng pelikulang ito ang konsepto ng 'unexpected relationships with the unexpected people'.
Dapat ay maging masunurin tayo sa mga magulang natin, pero kung alam mo namna na hindi ito tama, dapat ay ipaglabn natin ang sarili natin. 'wag nating hayaan nakunn ng masasamang karanasan ang abilidad natin para tayo'y sumaya.
MGA TAUHAN
JOHN BENDER
Siya ang pinakapsaway na stdyante sa kanilang lima. Galing siya sa isang pamilyang mapang-abuso at walang pakialam sa mga anak na nasasaktan na pala nila. Siya rin ang tiutukoy na 'kriminal' sa sanaysay sa dulo.
Mukha man siyang matapang at independent, masasabi kong isa siyang mabuting tao. Nung sinubukan nilang lahat tumakas, hindi sila nagtagumpay, kaya't nagkusa siyag gumawa ng paraan para siya nalang ang magmukhang may sala. At kahit na kung ano-anong masasakit na salita ang nasabi niya kay Claire, napatunayan pa rin nila na may gusto sila sa isa't-isa.
CLAIRE STANDISH
Siya ay galing sa isag mayamang pamilya, at nasakanya na ang lahat ng magagandang materyal na bagay. Kabilang siya sa mga 'popular' nagrupo sa kanyangpaaralan. Siya ang tinutukoy na 'prinseesa' sa sanaysay sa dulo.
Sa kalagitnaan ng kanilang 'open forum' napaamin siya ni Allison na isa pa siyang virgin, 'di tulad ng kung ano man ang tingin sa kanya ng iba. Sinabi niya na nakakaramdam siya ng peer pressure dahil sa pangalan at grupo namayroon siya. Bago matapos ang detntion, inayusan niya si Allison. At pinuntaan niya si John sa storage closet, para kumpirmahin ang pagusbong ng kanyang damdamin.
ANDREW CLARK
Siya ay nappressure dahil sa kanyang ama. Ang gusto nito ay lagi siyang nananalo sa wrestling, na umabot sa punto na naging masyado siyang bayolente at 'di nanakapag-isip para sa sarili niya kung ano ang tama at mali. Siya ang tinutukoy na 'athlete' sa sanaysay sa dulo.
Nung una ay parang coollang siya sa lahat ng nangyayari, pero nung nagopen-up na siya, medyo nagng emosyonal na siya. katulad ng iba, nawierduhan din siya kay Allison, ngunit parang tumigil ang kanyang oras nang makta niya si Allison na nag-ayos.
ALLISON REYNOLDS
Siya napakawierd kumilos at umasta, lalo na nung una dahil hindi siya nagsasalita. Siya ang tinutukoy na 'basket case' o sa ibang salita ay outcast sa sanaysay sa dulo.
Sa pagtagal ng pagsasama nila sa silid-aklatan, naengganyo siyang magsalita at makisali sa usapan. Inamin nia na isa siyan compulsive liar, at dahil sa kanya, nalaman ng lahat na may tinatago pala si Claire. Sa huli ay naging mas close sila, tinulungan pa nga siya ni Claire na magdamit ng mas pangbabae. Dahil don, nakuha niya ng husto ang atensyon ni Andrew.
BRIAN JOHNSON
Siya ay isang grade conscious na estudyante dahil nappressure siya sa mga magulang niya. At dahil nagkamali siya sa paggawa ng proyekto sa isa niyang klase, bumaba ang marka niya. Hindi niya ito tanggap at 'di niya rin ito kinaya kaya't naisipan niyang magsuicide gamit ang isang flare gun.
Siya ay nagng emosyonal sa pagbabahagniya ng kwento niya kung paano siya napuntangdetensyon. Kahit na tinawanan siya ng bahaya dahil sa kanyang pamamaraanng 'papatay' sa sarili niya.
RICHARD VERNON
Siya ang kinikilalang Vice Principal ng Shermer High School. Siya ay isang srikto at masungit na protagonista. At siya ang nagbabantay sa kanilang lima.
Siya ang sumsibolo sa karamihan ng mga guro sa buong mundo. Kinatatakutan ng iba, kinaaayawan ng iba, ‘di nirerspeto ng iba,ngunit higit sa lahat may pakialam sa kanyang mga estudyante. Maaaring strikto siya, pero ito'y para sa kapakanan ng mga studyante niya, kasi kung hindi siya strikto mas marami ang hindi susunod sa kanya at hindi niya maiimplementa ng maayos ang tamang disiplina sa mga estudyante niya.
CARL REED
Siyang ang gumaganap na janitor sa Shermer High School. Minor role lang ang kanyang karakter pero malaki parin ang epekto kung mawawala siya.
CINEMATOGRAPHY
Mapapansin natinna luma ang estilo ng cinematography ito. Makikta natin sa quality ng video, pati narin sa mga effects na ginamit. Wala itong gaanong special effects na sumasabog at mga green screen effect na akala mo lumilipad yung bida sa ere. Ito'y napakasimple lang, at magndang panuorin. Parang bumabalik ka sa panahon ng 80's, yung mga panahong malabo-labo pa yung palabas tapos hindi rin ganunn ka-HD yung kulay.
MUSIKA AT TUNOG
Maganda ang mga musikang ginait, kahit sino ay mappasayaw o mappakanta dahil dito. Sa mga dinaman pamilyar, napaka-catchy ng mga tugtog kaya't humanda kang ma-LSS at baka walang sawa mo itong pakinggan at kantahin.
KONKLUSYON
Ito ang 'The Breakfast Club'. Isang napakagadang pelikula na may simpleng storya at maraming mapupulot na ara tungkolsa buhay. Tutulungan tayo nitong makita ang iba pang perspective ng buhay, at ang pag-asa na lahat tayo ay may kakayahang maging masaya, kailangan lang natin itong piliinat paindigan.
REKOMENDASYON
ito'y aking inirerekomenda sa lahat ng manunuod! Hindi man ito ang piankamaganda sa lahat ng iyong mapapanuod, pero masisiguro kong magmamarka ito sa inyong puso't isipan. Kaya't maghanap na kayo ng kasamang manuod at alamin kung ano at sino ang The Breakfast Club~
movie rating: 8.5/10 stars















