Dahil ikaw ang nanay ko.
Dahil ikaw ang nanay ko naniniwala ako na kung ano ako ngayon ay dahil sayo.Halos lahat ng ugali at kilos ko mana sayo. Maswerte ako dahil ikaw ang nanay ko. Magkalayo man tayo alam ko na sa simple hello ko lang sa telepono gets na gets mo na ako. Minsan iniisip ko baka kamaganak mo nga si Madam Auring or my mata ka dito kasi parang palaging ramdam mo anong pinagdadaanan ko. Alam ko malungkot na magkalayo tayo kasi andyan ka at nandito ako pero gustong magpasalamat kasi naiintindihan mo kung bakit andito ako at magkalayo tayo. Sa mga panahong ganito mas nagiging malamig ang kama,mas dumarami ang mga panaginip,mas nagiging mahirap ang paguwi sa bahay dahil nasa isip ay sana andito ka. Mahirap yung parang habang nagkakagulo sila napapagitna ka sa guera. Kung pwede lang sana,kung mas madali ang mundo pipiliin ko na ika’y makasama. Ano ba yan hindi nga yata ako nagmature kasi hangang ngayon feeling ko mama’s girl parin ako. Naalala ko parin yung yakap mo nung huli,grabe ang hirap walang salita,walang lakas mga paa para lumayos sainyo. Mahirap. Sobrang hirap. Gusto kong magpasalamat sa pagmamahal mo na hindi iniinda ang mga pagkakamali ko. Mahal na mahal kita hindi lang dahil ikaw ang nanay ko kundi dahil kadugtong ka ng buhay ko at kung ano ako. Sana andyan ako sa tabi mo ngayon para personal kong ibigay ang regalo at sulat ko. Happy birthday,Ma! Mahal na mahal talaga kita. Lagi kang nasa puso at isip ko. Putulin ko na muna kasi sobrang drama na at nakakaiyak na.














