Isa.
Isa lamang ang gusto kong sabihin, kundi salamat sa iyong padating. Walang ibang maibibigkas ang aking bibig bukod sa kagalakan habang nasa iyong piling. Hindi inaasahan ang iyong pagsilip sa pusong naliligaw, Ni hindi rin napaghandaan ang gusto mong maging kapiling ako araw-araw.
Isa lamang din ang aking hiling, kundi sana'y iba ka sa mga dumating. May takot sa puso na baka ika'y lumisan dinβ kagaya ng nakalipas na ang puso ko'y ginulo't ginising. Pinapanalangin ko'ng hindi panghihinayang ang madama, Sa oras na ginugol ko at tiwalang binuo ko kasama ka.
Nanalanging, na kahit may danasing hirap man ay piliin ang pag-unawa. At sa mga araw na tayo'y tumatawa, sana'y isipin natin ang pagpapasalamat sa Kanya.
Pero, mali pala ako. Hindi lang isa ang hinihiling ko kung hindi dalawa. Ang pangalawa ayβ Nanalanging, sana'y ikaw na. β written: May 12, 2024 by thedauntlessdiaries (@muladapithapon)













