Umuulan nanaman.
Madilim na langit ang bumungad sa akin.
Tila ba'y may dala-dala itong mabigat na damdamin.
Kasabay ng pagdilim ng langit, mga mata ko'y unti-unting napupuno ng luha at lumalabo ang paningin.
Isa, dalawa, tatlo.
Umuulan nanaman.
Kasabay ng pag-agos ng ulan sa aking mukha,
Ay ang aking mga luhang dumadaloy galing sa aking mga mata.
Kasabay din ng mga kulog ng langit
Ay ang pagsigaw ng damdamin kong puno ng lungkot at pangamba.
Umuulan nanaman.
Kailan ba titigil ang pagbagsak ng ulan?
Upang ang pagtulo ng mga luha sa aking mata'y tuluyan nang wakasan.
Kailan ba titigil ang pagkulog ng langit at pagdilim ng mga ulap?
Upang maramdaman na ang ligayang laging hinahanap.
— written: June 26, 2021 1:20 am | thedauntlessdiaries










