You look great. You gained a little weight which is obviously seen in your face. You look better than ever. You don’t looked stressed about anything or anyone, YOU SEEM SO HAPPY.
Hindi ko alam pero wala akong naramdamang galit o kahit na anong hinanakit nung nakita at nakausap kita, parang dating magkaibigan lang na walang malalim na pinagdaanan, pero syempre andun pa din yung konting awkwardness. Lalo na sakin.
Tinext kita, sabi ko sayang i wasnt able to see you. Then you replied agad agad ng asaan ka. Hindi mo maiwan agad yung trabaho mo..
I was already walking. Sabi ko sa sarili ko, tama na. Awat na, kapag nakita kita ngayon, hihinto nako. I-lelet go ko na lahat lahat.
Ayoko na sanang makita ka, pero yung puso ko mapilit eh. Sinabihan ka pa din na “labas ka”. I waited for like almost one hour before you came out to see me. Ang dami ko excuses sa sarili ko.
Ang saya ko, nasilayan ko kasi ulit yung ngiti mo, narinig ko ulit yung boses mo. Pero hindi man lang kita nahawakan, nayakap. Pero okay lang, kontento nako na lumabas ka para makita ako. :)
Ewan ko ba, ganito nga siguro ang nagmamahal. Punong puno ng pasensya at pagpapatawad. O baka dahil rin kay Bliss. HIndi ko alam..
Pumasok ka na sa loob tapos sabi mo pasok ako sa loob kasi pinagtitinginan ako sa labas, sabi mo pa sobrang iksi ng shorts ko. Blaaahblaaah. Siguro kung tayo pa, sigurado mapapagalitan mo nako. Haaays.
Nagtext ka, pinipilit ako pumasok. Pero hindi na. Kahit sobra ang pagdidikta ng puso ko na pumasok ulit para makita ka, nilabanan ko. Buti nalang strong nako. :) Nagtext ka sabi mo miss mko, ako sobra sobra. araw araw.. pero ikaw hindi ko alam, ngayon lang kasi nakita mo ako.
It had been a long timeeee.. panahon na siguro para mag let go. :”)
PAALAM NA SAYO, MAHAL KO.