napanaginipan kita kagabi.
weird moment lang kasi ang siste e may kkuhanin akong exam at andun ka, andun din sya, kasama yung ibang unrelated na tao. pagpasok ko e magkalapit kayo. di kayo nagpapansinan parang galit ka. tpos pagpasok ko nakatingin sya sakin for some reason bakante yung upuan sa tabi mo. para walang issue di ako dun umupo. may pagitan na mga 2 upuan bago ako umupo. tpos panay sulyap sakin. di pa rin kayo nagpapansinan which is weird. alam ko kasi masaya kayo. kasi di kna nagbbother kausapin ako khit wala lang. tinanggap ko na ah baka di na ako kailangan. kasi ok ka na. nagmamasid lang ako tpos nagstart ang exam.
fast forward.. may break time. sguro may another set pa. lumabas ka tpos sya naman panay ang aligid sakin. tntignan reaction ko. di ako pumapatol sa mga parinig nya amd whatnot. di ako tumitingin di ko pinapansin. tpos may tv pala may balita. andun sya sa balita. parang may niraid na building tpos alam nyo yung parang mga raid sa mga motel na may inaambush na mga customer tpos andun sya. gusto kong tumawa kaso nakapoker face ako habang nanunuod. biglang may light bulb na umilaw pagkaprocess ng balita sa utak ko. *ah akaya pala sya galit. gets."
andun sya caught in the act. 3 pa sila. ang masama e di ikaw kasama. napailing ako kasi puta broadcast sa madla yung ginawa nya e. tpos sguro since raid yun sya malamang ang nag bail out aa kanya sa kulungan. medyo matibay mukha nya kasi pinangunahan pa nya ko sa pagtanong. sya mismo yung nagddeclare at nagkwento. matapang pa e. parang pnprovoke ako na patulan sya. di ako kumikibo. tinrato para lang syang masamang hangin na aalialigid sakin.
tumayo ako para mag cr. gusto pa ko pigilan e. humaharang pero eventually pinadaan naman ako. di ko alam ano issue nya. ahh gets ko na. sguro dahil sa nangyari dati. pero sa ginawa naman nya sakin before nun tibay din naman ng mukha nya. anyway pagkalabas ko hinanap ko kita, o inattempt hanapin. mag cr dapat ako pero habang ppunta dun nagttingin tingin din ako sa paligid baka makita kita somewhere.
di kita nahanap so bumalik na ko sa exam room. andun kana. andun din sya panay silip. paglingon ko napansin ko napalingon ka din. nagtama mata natin. medyo insensitive sguro on my part pero i mouthed "kamusta ka? ok ka lang?" nakita kita nagppigil luha. tpos inayos mo sarili mo kasi exam na naman. bwisit na yan.
nagjump ulit. tapos na exam may mga lumapit sa inyo. di ko alam kung kilala nyo sila o nakiki usi lang pero panay tanong. may humirit pa na "o ano plano nyo sa anniversary nyo?" sya sumasagot na parang matter of fact lang. na sa gnito kmi punta magtravel kmi blah blah. tumayo ka nagexcuse tapos lumabas di sya sumunod kasi chumika pa sya sa mga lumapit. lumabas na din ako tpos andun ka inantay mo ko. tpos hinila mo kamay ko tapos naglakad tyo.
tahimik lang tyo habang naglalakad. d ako nagstart magtanong tapos nakahanap tyo ng mauupan na wala masyadong tao. naupo tyo. tpos nagstart kna magkwento habang umiiyak. nakahwak pa din ako sa kamay mo. napahigpit lang hawak ko nung naiyak ka. inantay kita matapos magkwento. ang naihirit ko lang e " di naman ako nagparaya para makita kitang umiiyak." gusto kitang yakapin kaso baka out of line ako. ayoko ding baka maisip mo nagtatale advantage ako sa sitwasyon mo. andami tmtakbo sa utak ko kaso parang wala na ding kwenta e.kasi nagising na ko.
anlungkot lang. walang resolution. nagcheck ako ng socmed kung kmusta ka na. mukhang masaya ka. nagstart ka pala uli sa passion mo. masaya ako para sayo. masaya ako na inspite sa mga nangyari sayo lately umuusad ka. masaya ako na masaya ka.kahit di ako ang kasama mo sa pagging masaya mo. kahit di ako ang cause ng kasiyahan mo. unti unti ko na natatanggap na ah di naman pala ako talaga kailangan para sa ikakasiya mo. idk if that is a good thing. lumalabas din kasi ang selfishness ko at times. at sguro ito nagmanifest sa panaginip ang isa sa mga inner desires. di naman siguro wholeheartedly to a point na kailangan nyo muna masira para maging relevant ako sa buhay mo. pero sguro somewhat i just want to be needed again. i wan to matter to you again. sguro namimiss lang kita. siguro din a part of me longs to be next to you. gusto maging parte pa din ng buhay mo no matter how insgnificant or trivial it is. tipong i want to matter still. di lang memory na isisilid mo sa likod ng utak mo kasi past na e. it kinda sucks pero sguro malulungkot ako malala kung bigla mo ipacover up tattoo mo na partly dinesign ko. ewan. ko na lang din talaga.
hay buhay...















