Listahan ng mga Bagay na Aking Natagpuan Makalipas ng Dalawa’t Kalahating Dekada
Tama ang Nanay ko noong sinabi niya na mas mapapadali ang buhay ko kung sanay akong magtiklop ng damit at icompartmentalize sila ayon sa kung anong parte ng katawan ang tinatakpan nila. Pero gusto ko yung nachachallenge ako kaya di ko pa rin to ginagawa.
Mas tipid at time efficient kapag niluto sa iisang araw ang lahat ng pagkain sa buong linggo. Con: Tataas ang radiation level sa katawan mo kasi araw araw ka ring nagmimicrowave.
Mas tipid din kung malaking porsyento ng diet mo ay gulay at prutas kaysa karne.
Biyaya mula sa langit ang luyang dilaw. Di ko magagawang pumayat kung di dahil sa luyang dilaw.
Ugaliing uminom ng tatlong litro ng tubig araw araw.
Sa pakikipagusap, mas mahalaga kung papaano mo sinabi ang isang bagay kaysa sa value ng sinabi mo talaga. May sinasabi ang bawat tunog, hinto, patlang, ngiwi, kumpas ng kamay, at titig na pwedeng basahin at bigyang kahulugan ng kausap mo.
Madalas di mo naman talaga kailangang magkaroon lagi ng sagot kapag kinakausap ka. Sapat nang taimtim kang nakikinig sa kausap mo at sinusubukan mong tandaan kung saang parte ng sinabi nila yung totoo at yung hindi. Maraming tao ang makikipag usap lang sa’yo kasi kailangan lang nilang marinig ang sarili nilang boses.
Sobrang tanda ko na para maging aligaga sa pagpapaimpress sa mga taong wala naman akong intensyong panatilihin sa buhay ko.
May angking kakayahan sila na makapagdesisyon sa sarili nila kung nais nga ba talaga nilang manatili o hindi.
Mas magaan ang pagsisisi kung aamin ka agad sa crush mo kaysa yung di mo naranasang iconvey sa kanya yung nadarama mo. Regardless kung paano niya tinanggap at kung hanggang saan kayo humantong. Kung handa man siya sa’yo o hindi, hindi mo na obligasyon yon.
Sa topic ng pag amin, bigyan mo ng puwang na makapag isip din yung inaminan mo. Di kayo magkasing lebel ng pang unawa at pandama.
Kung mag iinvest sa isang sex toy, mainam na humingi ng payo sa mga eksperiyensyadong mga kaibigan at wag bumili online. Bumisita sa pinakamalapit na sex shop at kilatising mabuti ang laruan. Tip: rechargeable>>> battery operated.
Sa una lang nakakaguilty mang block ng toxic churchmates. After ng ilang oras, maluwag na ulit huminga.
Piliting magsulat kahit wala na kong masulat.
Ang pinaka highest form ng self-love ay pag iinvest ng pera at panahon sa mga libro, at pag eeliminate ng mga toxic na tao mula sa buhay mo.
May kapangyarihan sa pagpapangalan. Vinavalidate nito ang existence at halaga ng isang bagay. Sa buhay ko, mahalaga sa akin ang aking sekswalidad. In the past, my sexuality has always been fluid, but right now, i feel certain that i am a transman. Sa tanong na kung magtatransition ako o hindi, yan ay kailangan ko pang pag isipan. Mag tatransition ako ayon sa sarili kong paghuhusga, panahon, at kakayahan.
Pansexual ako pero malaki ang attraction ko towards sa mga gay effem men.
Unahin ang overall health kaysa sa skin care. Mag invest sa mga supplements, gulay, prutas, gym.
Ngayong taon, umuwi ako sa luma kong pananampalataya. Tapos na ang pagsubok ko sa iba’t ibang paniniwala, at nalaman ko na sapat naman na pala ang Kristyanismo para sa akin. Noon, masyado akong dumepende sa indibidwal na pagkakahulugan ng mga churchmates ko sa kung sino ang Panginoon. May saysay pala na lumabas ako doon at tinanaw ang Krsityanismo mula sa paningin at pandama ng mga aba at marginalized. Mas naniniwala ako na ang Diyos ay nasa piling ng mga patuloy na inaapi’t binubusabos at may responsibilidad ako bilang mananampalataya Niya na maglingkod sa kanila.
Mahirap ireconcile ang pagiging peminista at porn analyst. Produkto ng kapitalismo ang porn industry at nagtathrive ito sa pagrereduce ng worth ng mga porn actors and actresses into mere sex objects. Hanggang ngayon, in search pa rin ako sa isang quality porn na may compelling story line, empowering, at may proper balance among sa mga porn stars.
Okay lang hindi maging okay at okay lang kung aaminin mo ito o ikukubli.
Parehong katotohanan at isang konsepto ang kalungkutan. Nalaman ko last year na mas madali itong kalabanin if you’re gonna draw it to existence kaya pumilas ako ng maraming linya mula sa mga braso ko. Nais ko sanang imapa ang bawat linya papunta sa kung saan nanggagaling ang lungkot ko, pero lahat sila nakaturo sa magkakaibang direksyon. Naglangib na silang lahat pero naliligaw pa rin ako.
Okay lang kung di mo maunawaan kung bakit ka malungkot, kung kailan ito matatapos, at kung matatapos nga ba ito. Kailangan mo lang magfocus sa ibang bagay para malibang palayo sa kakaisip kung bakit di ka masaya.
‘Wag umasa na wala nang isasagad yang lungkot mo, pero wag ka ring mapagod kakahanap ng dahilan para lumigaya.