I was being a part of uzzap for almost 4 years. it has all begun October of 2008 when my brother introduce and installed the application on my phone. And now that its service will be closing down , for the last time . I just wanna share those happy moments i ahve been with uzzap and to realise those things make up almost my life and how i meet my friends today.
Nang dahil kasi sa uzzap, nagkarun ako nang maraming kaibigan
mapa luzon, visayas at mindanao man,
Hindi ko man sila nakikilala at nakakasama nang personalan
ramdam ko naman ang kasiyahan pag sila ang aking kakwentuhan.
Dahil sa uzzap naman may pagsasamahang nabuo
Mga grupo at Barkadang sa uzzap nasimulan
Kaya salamat uzzap nang dahil sayu
Nakilala ko ang mga tunay at totoo kung mga kaibigan
Dahil hindi rin maiiwasang sa uzzap ako ay makatagpo ng kaaway
Kaya minsan sa buhay ko, akoy naging matapang
Kung akoy makapag mura at lait sa kaaway ay wagas
Sa totoo lang Waley namantalaga ako pag siyay akin ng kaharap :p
Naranasan ko ring may mga close akong kachat
Puro Tawanan at Ang kukulit kung kami ay magkachat
Nung magkasundong kami na ay magkikita
Anung nangyare, at Nagkailangan bigla :P
Nang dahil din sa uzzap, binigyan kulay nito ang buhay pag-ibig ko,
May bagong nakilala, nagpalitan nang number, nagtawagan
nakipagkita, nagligawan, naging mag-on, nagselosan, may unting problema
Nagkahiwalayan hanggang tuluyan nang nakalimutan
Hindi man siguro ako pinalad sa buhay pag-ibig ko ditu
May mga kakilala naman akong ang buhay mag-asawa ay ditu nabuo
at mayrun ding iba, ang uzzap ang naging daan sa relasyun nila
At hanggang ngayun ay going strong pa rin sila.
Mamimis ko naman ang textwist, quiz, trivia at rebus
Buongbuhay ko sa uzzap ay naging adik ako jan,
Mano-mano man ang game at may gamebot man
pagpupuyatan ko yan maka top score lamang
Hindi ko na maalala kung ilang mms na ang aking napasa.
Tp ritu tp ruun, fansign ditu fansign ruun..
Mga pr at pm, naghahatakan sa ibang room
Makapagusap lang nang maayos pag ma hang, may flood at mga bot sa reg kung room.
Nang dahil sa uzzap ang mga binigyan mu nang ngiti ang aking mga labi
Mga ngiti tuwing hawak ko ang cp at ako lang ang nakakarelate nang tangi
nagmumukha man akong baliw sa kanilang paningin
Masaya naman ako bahala na sila kung anu ang kanilang iisipin…(lol)
walang tulugan buong magdaqmagan,
Mga eyebags na malalaki nagsilitiwan,
uzzap sa higaan, palikuran, kalsada, classroom kahit saan,
Wag lang ako mawawala sa uzzapan
hindi ko akalaing ang laki nang naidulot mung influensiya sakin
Nakatagpo ako nang mga kaibigan magiging close ko, hindi ko akalain.
Ngayong mawawala ka na sa mga cp at pc namin
Ang mga alaalang naibahagi mo’y mananatili pa rin
Mga barkadahan at pagkakaibigang sa uzzap nabuo at nasimulan
Magpapatuloy pa rin ang samahan, forever na yan…
Maraming Salamat Uzzap at ikaw ang naging daan para makilala ko ang NGAYU'Y AKING MGA KAIBIGAN..