So ayun, dahil nagbalik na ko, babalikan ko rin yung mga blogs na namiss ko. Una na si Ayka aka aykiraaaay. Ewan ko bat gustong gusto ko yung blog nitong babaeng to. Hahahaha. DeJk. Napakanatural kasi. Prangka. Tapos palamura (lakas makahawa). Charat! Basta gusto ko yung blog niya at laman ng blog nya.
Next is Idol Tipsy D. Kilala nyo yun? Yung fliptop emcee na may matabang pisngi? Hahaha. Idol ko to super. Antaba ng utak e. Tapos kwela. Tapos ideal boypren. Tapos galing magluto. Tapos mabaet . Tapos gwapo. Hahaha. Panoorin nyo kahit isa lang sa mga laban nya, pra maniwala kayo. xD. Cool din yung jowa nito, si ilabnela. Ang kulet lang nila magpalitan ng salita e, lalo sa loconvos nila. Hahaha grabe ito ang tinatawag na tropang jowa. Basta idol ko siya. Period.
Si JAPS aka Julie Ann San Jose. Kahit photo blog lang yung sa kanya, napapangiti ako pg nakikita ko yung pics nya. Bonus na lang yung boses nya dahil super galing niya. Idol din.
So ayun, babalikan ko muna sila. Para makasabay ulet sa lakad ng buhay nila. (Lakad lang kasi masyadong mabilis pag takbo). Tapos biglang ang korni ko. K. Bye. Hahaha.