How I got closure from my ex. (One of the most painful and unforgettable experience in my whole life) Almost 7months na kaming break bago kami nagkaclosure ng ex ko. June 16-19,2017. Umuwi ako ng Davao to process my school requirements para sa Grad School. But actually it was not the only reason why I went home, kasi to be honest gusto kong makita ex ko, to convince him na baka pwede pa ulit itry work yung relationship namin. Because honestly, I still love Him. I love him so much and hoping na baka mahal niya parin ako kahit konti lang. I'm willing to do everything this time to make our relationship work, Sabi ko sa sarili ko I would really change my attitude and etc for him para lang di na siya mawala. para di niya ako iwan. Sayang din kasi, I invested a lot for him. Time, Effort, Energy, Love. Tapos biglang mawawala lahat diba. Nakakapagod na magstart ulit. Siya kasi first boyfriend ko, first love ko, gusto ko siya na. and kilala na siya ng family ko, friends, relatives and etc. Siya lang yung lalaki na pinakilala ko sa lahat ng mahalagang tao sa buhay ko. (akala ko talaga kami na, akala ko siya na, gusto ko nga siya na eh, naiisip ko na before na siya yung lalaking papakasalan ko, but everything got complicated and he gave up on me which I never thought he would really do.) June 17 ang napagkasundoan namin na date na magkikita kami, but I changed my mind for the reason na hindi ako ready kasi alam ko naman na masasaktan ako. Sabi niya kasi, hindi na daw talaga kami magkakabalikan. Wala na daw talaga. This time daw kasi may bago na siya. Nililigawan or siguro sila na walang label pa or di pa official. Ganun din naman kasi kami dati, fling-fling at first, parang kami na di pa official. So ayun. But I still have little hopes na sana maging okay kami ulit. Because nagbreak lang kami through phone (FYI, LDR kami. Davao siya, Manila ako) and ito pa yung muling pag-uusap namin sa personal after the break up. Ayaw niya nga sana eh pero pinilit ko siya and I said to him kahit respeto lang sana kasi niligawan ako sa personal tapos makikipagbreak sa phone. Ano yun diba? So ayun pumayag naman siya. Nagets niya rin siguro point ko. Pero hindi kami nagkita nung June 17. Nung June 18, gusto ko na ulit makipagkita pero ayaw niya. Napikon and nagalit siguro kasi di naman ako sumunod sa napagsundoan namin tapos pabago-bago isip. Anyways, ayun akala ko di na talaga kami magkikita and all. June 19,2017. My flight back to Manila was at 4pm. Medyo maaga ako nagising ng day na to because I still have unfinished business sa school Di ko pa actually nakuha mga school requirements ko so I decided agahan ko nalang punta sa school before ako uwi ng Manila. I still want to see my ex though. So Ayun around 8am ako pumunta ng school, but unfortunately di ako nakapasok because of dress code. Nakasleeveless kasi ako. Strict parin school kahit sa mga alumni haha. So I decided na puntahan ang ex ko. Duty siya nun sa Tagum Doctors Hospital. Dahil sa gusto ko talaga na maokay kami ulit, pinuntahan ko siya. Punta ako abreeza and Thankfully may isang minibus bound for tagum. Davao-Tagum travel time approx. 1hour or 1hrand30mins. Depende kung matraffic/hindi Umalis yung bus around 8:30/8:45. Kahit na kinakabahan ako sa mga mangyayari, unang-una "baka matraffic and all tapos di na tuloy ako makakauwi ng manila kasi malelate ng balik sa davao" pangalawa, baka di niya ako kausapin kasi duty siya, baka di siya lumabas ng hospital pangatlo, kahit na nakausap ko siya wala parin talagang magbabago sa decisions niya. Pero kahit na daming doubts and hesitations and negative thoughts, push parin. Go parin ako. Di ko talaga alam anong meron that time at ang lakas ng loob ko talaga. (Haaaays things you do for Love 💔) Anyways so ayun, habang nasa bus ako pray ako ng pray na hindi matraffic, na mabilis lang para di ako maiwan ng plane kasi nga 4pm ang flight ko that day. Kahit na ang daming worries, pinuntahan ko siya because ganito ako ka pursigido na sana maokay ulit kami. na gusto ko ipakita sa kanya na i will be better this time. God is good naman kasi nakarating ako sa pinagdudutyhan niya exactly 10am. Ang galing lang kasi ang bilis lang tapos wala pang traffic. God answered my prayer na smooth lang yung biyahe. So nakarating na ako dun, Tinawagan ko siya, tapos lumabas siya. Nag usap kami. Nasa car niya kami(kay bro), actually di ko alam ano sasabihin and all. Unang-una sobrang happy ako kasi after a long time, nakita ko siya ulit. Namiss ko kasi talaga siya. I actually bought C2 drink for us both baka kasi nauhaw siya or something sa duty niya. So ayun. Para narin pag umiyak ako, may mainom ako. Hehe Ayun, nagstart na kami talk. Nag explain siya kung bakit napagdecidedan niya na talagang ayaw niya makipagbalikan, kung bakit hiwalay na talaga kami. napagod na daw kasi talaga siya, sa pang-aaway ko sa kanya, everytime na umaalis siya with workmates, and sa mga ginagawa niya and etc. away-bati kasi kami, nakakasakal na daw and napagod na daw talaga siya sa akin. grabeh ko rin kasi kaselosa nung mga times na yun and grabe ang insecurities. i dont know maybe kasi nung mga panahon na yun, ang daming nagbago sa life ko, kakalipat lang kasi namin sa Manila, and grabeh lang talaga yung adjustments and all, wala akong friends, basta ang dami lang nagbago tapos yung sa dreams ko pa na feeling ko di talaga para sa akin. I feel so lost that time sa life ko na hindi ko alam ano gagawin, hanggang sa kanya lang lahat yung focus ko nun, kaya lahat ng ginagawa niya, nababantayan ko and lahat nalang may say and all. nagseselos kahit hindi naman dapat. basta toxic. I feel so lost nung mga panahon na yun sa life ko, ang daming nawala, nagbago and all tapos di ko akalain na yung taong pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob, na yung taong akala ko na laging nandyan para sa akin eh hindi ako iiwan, pero siya rin pala bumitaw at iniwan ako at nag give up sa akin. (ps. naaway ko pa mga friends ko dahil sa kanya, tapos yung sa dad ko, sa parents ko and etc. basta grabeh inlove na inlove si ate mga besh haha 😅 kaya siguro karma ko na rin yung masaktan ng sobra) yun yung mga times sa buhay ko na feeling ko nawala talaga lahat sa akin, from every aspect of my life to him. di ko talaga alam ano gagawin ko para makabangon. First 6 months of my 2017 was my downfall. Ang sakit sakit sakit sakit sakit sakit sakit ng naramdaman ko nung araw na yun, habang nasa car kami, umiiyak na ako, hindi ko alam ano sasabihin ko sa kanya, out of words talaga, yun bang hindi mo mailabas yung tamang words para sa nararamdaman mo kasi tagos talaga sa kaluluwa yung sakit na wala ka nalang talagang ibang magawa kundi umiyak. nagsorry naman siya, hiNug niya ako. hiNug ko rin siya ng mahigpit habang umiiyak, pero dun ko talaga nafeel na wala na yung taong minahal ako at minahal ko rin ng sobra. 30 minutes lang kami nag usap nun, kailangan na din kasi niyang bumalik kasi duty pa siya, and ako rin kailangan ko na rin bumalik kasi baka maiwanan ako ng eroplano, di ako makabalik ng Manila, takte na. gentleman parin naman yung ex ko kasi sinamahan niya ako tumawid sa kabilang kalsada para mag abang ng bus PaDavao. that time around 10:30+ na ata yun. eh kailangan ko makabalik ng davao ng mga at least 12noon kasi kailangan ko pa bumalik sa school para man lang may maprocess konti sa requirements, so dahil sa nagmamadali ako ang nasakyan ko pang bus yung “walang aircon” which is hindi naman talaga ako sumasakay nun (nakasakay dati pero di ko lang talaga preferred) ayun open lang, mainit, maalikabok, pero gora nalang ako kasi wala na talagang choice. yun na yung huling pagkikita namin and pag uusap namin. ayun habang nasa bus ako, di ko talaga mapigilan yung sarili ko na umiyak ng umiyak. yung katabi ko sa bus, tinanong kung ok lang ako, sabi ko may relative lang kasi na nasa hospital. (takteng palusot talaga haha natatawa na ako ngayon sa palusot ko na yun haha) pero nung time na yun ang sakit talaga. di ko talaga makalimutan yung araw na yun. June 19,2017. Habang naaalala ko yun, napapaiyak parin ako. pero di na yung sobra-sobra talaga :) okay naman na ako ngayon, nakabangon na. hindi ko alam kung paano eh pero pray lang ako nun, tapos hinayaan ko lang tumakbo yung oras. dumaan yung panahon. hanggang sa naging ok nalang din ako. masaya naman na ako ngayon. mas nagfofocus ako ngayon sa sarili ko, sa career ko and sa gradschool ko. nakamove on naman na ako sa kanya. pero di ko pa ulit kaya magkarelasyon ulit kasi parang di pa buo ulit yung trust ko sa love, di pa ako ready sumugal ulit sa love, marami naman nagpapapansin sa akin ngayon, pero may walls pa talaga eh. siguro in time kaya ko ng magtiwala ulit, magtiwala sa love na pang Lifetime na talaga, hindi ko alam kung darating pa, or kung meron ba talaga, pero maniniwala ako. maniniwala ako na love will find me again soon. hindi pa siguro ngayon but in time. 🙂 yung time na maayos na buhay ko, okay na ako, buo na ulit lahat ng nawasak(tiwala sa sarili, tiwala sa pagmamahal) and ready na ulit sumugal and masaktan ulit. Sa ex ko, Thank you so much for everything. Dahil sayo ang dami kong natutunan sa Life, Thank you din sa pain dahil naging motivation ko siya para maging better and lumaban lang sa Life. Alam ko you’re now happy with her. I wish you all the best and ingat ka palagi. Godbless 🙂