The thing called “FUTURE”
For a little girl, I had big dreams. Minsan pa nga di na totoo dreams ko. I have imagined myself kung paano ako makakapangasawa ng lalakeng nesekenye ne eng lehet. Naimagine ko na ng magkaroon ng not just one, not two, but 3 cars. Naimagine ko na kung anong attitude ko kapag mayaman nako, and kung anong sasabihin ko kayla mama and papa pag susurpresahin ko sila kase nilibre ko sila ng world tour. Sobra sobra yung pangarap ko sa sarili ko nung bata pa ko. Iniimagine ko na magiging bahay ko, kung pano ko pipirma bilang CEO (at bilang artista hehehe) at hanggang dun sa fact na naimagine ko na kung anong passcode ko sa ATM. But, I grew up. Ganun pa rin naman yung pangarap ko, but there is this one HUUUUGE problem.
REALITY.
oo, realidad. eto ang ultimate kalaban ko sa lahat ng pangarap ko since day 1 na nagstart ako magdrawing ng itsura ko nung Kinder ako nung sinabing idrawing daw ang “future me”. Nangarap akong maging astronaut, pulis, chef, magician, artista, isang magiting na housewife (kase nga yung mapapangasawa ko nesekenye ne eng leheeet) pero lahat yun nabura dahil nagstick ako sa ultimate dream ko, Ang Maging successful. At eto ang mahirap sa dream ko. Hindi ko alam kung kelan, paano, saan at sa anong dahilan ako magiging successful.
I am currently 18 years old. And mas nakakaproud pa atang sabihin na ‘Wala pa akong napapatunayan” kaysa sa “Dude, i did diz and dat mehehe” Kase yun yung totoo. 18 pa lang ako. 18 LANG. And minsan nagi interfere itong pagiging 18 ko sa mga desisyon ko sa buhay. Minsan mapapaisip ka nalang, “Am i too young or too old for this?” At minsan it sucks. it sucks na dahil lang sa 18 ka na you cant laugh loud or dance in public, it sucks na dahil lang 18 ka na you are now required to at this early stage pick a guy na you would probably marry, and it sucks that 18 ka lang pero yung future na dati mong pinapangarap ay kailangan mo nang gawin, and that is not easy.
So yun nga, reality is the biggest threat to my future. Ang dami nang nangyare sa 365 times 18 days kong stay sa earth. Ang dami kong pangarap non and what is great about little Gillian? Hanggang sa pagtanda nya dinala nya yung mga pangarap na yon. At ang nagpalakas sa kanya? Realidad din. Iba pala talaga ang realidad. Eto man ang medyo hadlang sa dreams ko, but eto rin pala ang dahilan para unti unti ko yung maabot. Minsan di ko na maintindihan nangyayare saken, pero i never worry. Kase si little Gillian, nangarap lang. And i will not fail that little girl. Minsan yung desisyon ko di ko na pinag isipan, minsan na rin akong nagsisi sa paggawa ko ng desisyon. Pero naniniwala parin ako na makakamtan ko ang pangarap naming dalawa ng batang minsang nangarap. At pag nasa future nako, lilingunan ko ulit ang maliit na Gillian at ang Gillian ngayon para magpasalamat.










