Sa mga taong nasaktan, nasasaktan pero nagmahal pa rin, sa mga taong kahit nanloko na ay minamahal pa rin, at sa mga taong kahit ilang beses nang niloko ay nagmamahal parin
Kung binabasa mo to, o nagkaron ka ng interes basahin to, malamang sa malamang isa ka sa mga taong nasaktan, nasasaktan pero nagmahal at nagmamahal parin.Â
Para sa mga nasaktan at nasasaktan,
gusto ko lang malaman mo na hindi masamang masaktan. Natural sa taong makaramdam ng sakit, dahil pinapatunayan nitong tao ka. gusto ko lang malaman mo na hindi porke normal sa tao ang masaktan ay hahayaan mo ang sarili mong masaktan. Hindi ka ginawa sa mundo para lang mabuhay sa isang pantasya na ikaw na mismo ang nawawalan ng panahong isipin na hindi dapat kumplikado ang pagmamahal. nais ko rin malaman mo na hindi porke nasaktan ka, susuko ka na. Lahat ng bagay na may o dumanas ng sakit ay mas nagiging malakas. NGUNIT, nais ko lang din malaman mo na hindi porke ayos lang at normal lang masaktan eh magpapakatanga ka na. Iba ang pag ibig. oo di ko pa nararamdaman ang lahat ng klase ng pag ibig, pero totoong iba ang pag ibig. matuto ka ring gumawa ng limitasyon sa kung gaano ka dapat masaktan. hanggang dun lang. wag mong lubos lubusin ang sarili mo hanggang sa wala nang matira sayo. TANDAAN MO RIN NA KUNG YANG TAONG PINAGTITIISAN MO NG SAKIT AY MAHAL KA, UMPISA PA LANG DI KA NYA HAHAYAANG MASAKTAN. KASE KUNG MAHAL KA NYANG TUNAY, DI NYA KAKAYANIN NA MAKITA KANG MAWALAN NG PAG ASA.
Para sa mga nanloko ngunit minahal parin,
Kung ulitin nyo yan, may isa lang akong tanong. SAAN KAYO NAKAKAKUHA NG LAKAS NG LOOB? sana naman, kung may balak kayong manloko ulet, iwanan nyo na yung taong willing kayong mahalin pa rin kahit manloloko kayo. Kahit man lang sa ganung aspekto magkaron kayo ng awa. kung alam nyo pala sa sarili nyo na di niyo kayang panindigan ang mga sinabi o binitawan nyong salita sakanila, sana tapusin nyo na. OO MASAKIT SAKANILA YON. PERO MAS MASAKIT YUNG PANLOLOKONG GINAGAWA KAYSA SA PAGHIHIWALAY NG MAY NATIRA PA. magkaroon kayo ng AWA sa taong handa parin kayong tanggapin kahit na lahat na ng sama ay nagawa niyo na. Kung sainyo kaya gawin lahat, kaya nyo pa bang tumanggap ng mga katulad nyo? Hanggaât andyan pa at kaya ka pang tanggapin ng taong mahal na mahal ka, wag mo siyang abusuhin. DAHIL MANIWALA KA. PAG ANG PUSONG TANGA AY NATUTO, HINDING HINDI MO NA YAN MAKUKUMBINSI O MAPAPAIKOT PA.Â
at Para sa mga taong ILANG BESES ng niloko pero nag mamahal parin,
pano mo yan nagagawa sa sarili mo? lol jk. Sabi nila, walang gamot sa katangahan. Actually, meron. Sarili mo lang nakakapigil sayo. Kung mahal ka ng tao, di ka lolokohin. AT KUNG MAHAL MO SARILI MO, DI KA PAPALOKO. Do not settle for less, ang daming isda sa dagat. Mahal mo siya? Eh sarili mo mahal mo ba? Wag kang gumawa ng bagay na sa huli eh mas msasaktan ka. Once is enough, 2 is too much. dont act so tough on things, pwede mo mabago ang mundo mo. IWAN MO NA YAN.Â
Hindi masama ang pakiramdam. Hindi masama ang Feelings. ang masama ay ang pag abuso sa mga to kase lahat ng bagay may limitasyon. LAHAT NG BAGAY DI DAPAT INAABUSO KASE MAY HANGGANAN YUN.