Napaglaruan na naman ako ng tadhana kanina..
Nakita ko yung mga barkada nung nagpaasa sa akin last year, ‘di ko sila masyadong tinignan kasi alam kong wala ka naman doon...
Huli na ang lahat nung magtagpo ang mga mata natin, hindi ko lubos maalala ang itsura mo sa bilis ng pangyayari, tila isang kisapmata nga.
Paglagpas niyo ay nakatingin pa din ako, bigla kang tumalikod para tignan akong muli pero bakit?
Natuwa ako kasi sa Pamantasan ka pa rin pala. Nakakatuwa lang.
Ngayon lang kita nakita. Madalas kasing tropa mo lang nakakasalamuha ko.
Hindi kita hinahanap sa kanila pero matik naman na sinasabi nilang,
“Ay! Sayang wala si ano dito, Warlo.”
Alam kong masaya ka na, ‘wag mo lang sana akong kalimutan.
Akala ko lang pala iyon...
Kakalabas ko lang ng gate ng Pamantasan at wala na naman akong kasama.
Bigla kong nakita si X. Nakita niya ako pero di niya ako pinansin.
Wala siyang kasama.... ako din.
Mali na lapitan ko siya, kasi para saan pa.. diba?
Pero matigas ulo ko, paladesisyon ako kaya ayon, tinawag ko siya sabay lapit.
“Uwi ka na?”
“”Oo, ikaw?””
“Uwi na din, pwedeng sumabay?”
“”Saan ka ba? diba dyan ka(round table) sasakay?””
“Oo, pero saan ka ba?(Alam kong sa cityhall siya sasakay pero tinanong ko pa din)”
“”Cityhall ako, mapapalayo ka pa!””
“Pwede din naman ako don.”
Madami akong gustong itanong sa kanya pero ‘di ko na nasabi...
Gusto kong tanungin ko kamusta na siya, kung may pinalit na ba siya sa akin pero wala eh, umuurong dila ko sa mga gusto kong marinig na sagot.
Paliko na dapat siya ng Gen. Luna pero sabi ko, “Dito na lang tayo dumaan.”
Oo, para malayo.. para mas matagal pa kitang makasama.
Kung saan tayo dati nadaan, katulad ng dati.
Tinanong mo ulit ako kung gusto ko ba talagang sumabay,
hindi ako na-offend sa tanong mo na tila ayaw mo akong kasabay.
“Baka kasi may makita kang ‘di maganda.” ang sabi mo.
Nagulat ako sa tanong mo, akala ko magkikita kayo ng Girlfriend mo.
Nagulat lang ako, walang selos, walang kirot. (chos, meron slight lang.)
Bigla mong nilabas yung kaha mong parang kakabili lang, nagsindi ka bigla.
“Ayan ba yung sinasabi mong ‘di maganda?” Tanong ko.
Napatungo ka lang sabay buga na parang wala kang paki na ayoko ng amoy ng yosi.
Napansin mong tumangkad ako, nailang ka kasi mas matangkad na ako sayo.
Pinansin ko yung gupit mong pangit, as usual.. OC ako pagdating sa buhok.
Inaayos ko yung mohawks mong flat top, ‘di mo iniwas nung ginalaw ko.
Paglagpas ng Arko, pinansin ko yung balbas mo at pinaka-inaalagaan mong bigote. Napangiti ka lang, alam mo kasing ayoko may bigote ka pero parang pinabayaan mo nang kumapal. Pinagmasdan ko yung mukha mo, ang kinis pa din. Ang haba ng pilikmata mo talaga, at ung kilay mong napakaganda. Malapit ka na palang sumakay, ‘di ko pa natatanong sayo.
“Hatid na kita, hintayin na kitang makasakay”,pilit ko.
Parang ayaw mo kasi una, ang layo ng nilakad ko para lang makasama ka ng matagal tapos hintayin pa kitang makasakay. Alam kong kahit papano, hindi ka ilang na kasama ako. Alam kong kahit papano, gusto mo kong makasama. kasi sabi mo, ngayon mo lang ako nakita sa sem na ito. Hindi ko man masabing namiss mo ko pero alam kong kahit papaano, masaya kang nakita ako.
Sampung hakbang..
iniisip ko na itatanong ko sayo..
Siyam, hingang malalim.
Walo, “May girlfriend ka na?”
Pito, “wala na simula nung last ko.”
Anim, “Last mo...?”
Lima, “nung first year pa ko nun.”
Apat, “Nung first year pa tayo?”
Tatlo, “Oo, 2013.”
Dalawa, “Pagkatapos mo sa akin?”
Isa, “Ikaw yung last ko. Sige na, dito na ako”
Parang gusto mo kong yakapin pero apir na lang para ‘di halata.
Wala akong nagawa.
“Sige, Ingat!” sabi ko, for formality lang.
Balisa akong bumaba sa underpass.
Tinitignan ko pa yung FX niya kahit nasa center island na ako ng underpass.
Tinitignan ko kung nakasakay ka na ba, kung nakaupo ka ba.
Hanggang sa pag-upo ko ng jeep, nakatulala lang ako sa FX.
Hindi ako masaya, hindi ako malungkot.
Ano ba itong nararamdaman ko.
TANGINA NG TADHANA, PINAGLARUAN MO KO.