
seen from United States
seen from T1
seen from Nepal
seen from United States

seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from United States

seen from Venezuela
seen from Ukraine
seen from Egypt

seen from New Zealand
seen from Trinidad & Tobago
seen from United States

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
May 18
So, ngayong araw nakabasa nanaman ako ng mga tekstong makadugo-ilong. Huhu. Hahaha
Ayon, so tawagin nalang natin ang mga tekstong ‘to na “Intellectual Texts” (ampanget diba, walang touch of creativity hahahaha wtvr).
So, I have nothing against these “intellectual texts”. It’s just that…it’s confusing? XD Hehe peace ✌
Before you point your finger at me and cry “ Hypocrite!!” please hear me out.
Alam ko, gumagamit rin ako ng Ingles (oh deba taray, “Ingles” XD) sa mga mangilan-ngilang speech o rants ko (kung may naipost man akong nabudburan ng lakas ng loob) ukol sa iba’t ibang isyu sa buhay. Madalas dahil required ito sa school kaya ayon, napapasulat at nakiki-dive naman kuno sa gulo ng pulitika at kabulokan ng lipunan (or kagandahan, para fair. Wahaha).
At upang malinaw, hindi ko isinusulat ang sanaysay na 'to para sabihing nagmamatalino ng mga taong nagpopost ng mga “intellectual text”. Nakakaloka. Malayong-malayo ho. Diba may tawag do'n? “ Smart-shaming”? Susme, sa katunayan, isa sa layunin nito ay para bigyan sila ng puri dahil sa kakayahan nilang maglahad ng kaisipang may kapangyarihang humubog o sumira. “Power of the pen” kumbaga.
PAGLILINAW: Hindi ito rant, hindi ito pang-uuyam, o criticism. Gusto ko lang ihayag ang katotohanan bilang mambabasa.
Sa totoo lang, masaya akong makabasa ng mga tekstong tumatalakay sa mga isyung kauyam-uyam, mga kabulukan ng lipunang kailangang pansinin. Nasisiyahan akong may mga taong may pakialam. May mga taong bukas sa diskusyon. May mga taong may kakayahang sumulat ng kanilang ideya sa kahanga-hangang paraan.
Malaya tayo, syempre, na gamitin ang kung ano mang midyum ang nais nating gamitin. Maari tayong mag-post ng sanaysay na nasusulat sa “j3j3m0n”, sa “ bekimon”, sa Ilokano, sa Kapampangan, sa Chavacano, sa Filipino, o sa Ingles, basta lamang ay naaayon sa layuning mambabasa. At karamihan, naisasaulo naman iyon. At saka oo, naiintindihan ko po, kadalasan, kung hindi man palagi, ay mas nailalahad natin ang nais nating sabihin sa wikang Ingles.
Maaaring dahil: 1) Ganito tayo sinanay sa ating sari-sariling mga paaralan 2) May mga salitang mas malinaw kapag nasa Ingles 3) May mga salitang walang katumbas sa Filipino 4) Kung iisipin pa ang mga katumbas ay kadalasang natatagalan at nawawaglit na sa isipan ang ideyang nais isulat
Ang nais ko lang naman po ipunto, hinay-hinay lang. ^^ Kasi, honestly, gusto ko pong basahin at intindihin ang mga nais niyong iparating. Alam kong hindi naman po ako aktwal na target audience niyo pero nakikita ko rin kasi, mapa-status o comment. Siguro nga nakikihalo lang ako sa mga hindi naman dapat.
Pero kasi, hindi naman siguro masamang makialam kung ang laman naman nito ay tungkol sa pananaw mo sa bansa. Ewan ko, pero para sa akin, ang gandang mangolekta ng mga pananaw tapos habang binabasa mo lumalawak nang lumalawak rin 'yung iyo hanggang sa makabuo ka ng sarili mo. Ako lang ba? O'di ako lang! Kaloka. XD
Anyway, ayon, pakiramdam ko lang kasi tuwing nagbabasa na ako tungkol sa mga isyu, partikular na sa mga nangyayari sa bansa, gusto ako laging iluwa na para bang “Hindi ka dapat dito, hindi mo gets 'to.” I mean, hindi naman masyadong gumagamit ng jargon 'yung tao kaso parang minsan ang lalim na talaga ng mga ginagamit malulunod ka nalang, hindi mo na magets 'yung buong text at kailangan pang basahin nang dalawang beses (o higit huhu) para ma-digest ng utak ko.
Okay lang naman mag-explain ng gano'n eh. Naiintindihan kong siguro ay galing sila ng law school o kaya sobrang komportable na sa paggamit ng “culpability” or “ignominy” o kaya “vituperation” na dinictionary ko pa.
Siguro mukhang excuse nalang 'to ng mga kagaya kong hindi magets masyado, ewan ko ba. Ang tanong nalang siguro ay: “Sino ang mag-aadjust?” Well, ewan ko. Pwede bang pareho?
Maaaring depende ito sa layunin ng manunulat. Kung gusto niyang maintindihan ito ng lahat o mai-filter sa mga keribells ang gano'ng nature of talking ('di kagaya ko).
Pero ang punto ay, kung balak po nating i-post in public, o i-comment sa Rappler, sa ABS-CBN News, o sa GMA News, kung saan alam naman nating talamak ang mga pangkaraniwang mambabasa, bigyan po sana natin ng linaw kung nais ba talaga nating ipaintindi sa iba ang kung ano mang komento natin o mag-express lamang ng emosyon o opinyon.
At kung ako ang tatanungin kung aking midyum ang pinakamainam na gamitin kung ang layunin ay MAGPAINTINDI? Wikang Filipino po.
P.S Palagay ko ay dapat maisulong ang intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
P.P. S. Bakit ko nga ba 'to sinasabi talaga? Una, dahil nga dumugo ilong ko kanina (syempre figuratively) sa mga intellectual text na gusto ko sanang maintindihan. Pangalawa, ang mas seryosong dahilan, ay ito:
1. Smart-shaming. Base sa obserbasyon ko, isa sa mga rason kaya nauso 'to ay dahil nga karamihan ay Ingles ang ginagamit na midyum sa pagbabalik-kritiko sa mga taong 'to (ano, victim-blaming nanaman 'to, sasabihin niyo? Jusme XD Hindi po sa gano'n.).
2.) Another is, naniniwala ako, as in naniniwala talaga, na kapag Filipino ang midyum (karamihan, kung hindi man lahat) na gagamitin natin sa pagsulat ng mga opinyon/kritisismo/emosyon, mas maraming makakaintindi. Promise. (Isa na ako doon)
Kasi halos sigurado ako na napakaraming Pilipino rin ang gustong makialam sa isyu ng bansa kung hindi lang karaniwan sa mga may magagandang kaisipan ay nasusulat sa PARAANG (Take note paraan, hindi wika. :) ) mahirap intindihin.
Idealistic na kung idealistic, pero imagine our beloved country, umaapaw ng mga malalawak na komentaryo, mga kaisipan, mga pananaw ukol sa iba’t ibang isyu ng lipunan kung saan apektado ang lahat, NARIRINIG, NABABASA, AT NAIINTINDIHAN NG MARAMI.
Siguro kapag gano'n mababawasan man lang natin, kung hindi man mabubura, ang bilang ng mga Pilipino na bulag sa mga bias na statement, sa mga pananaw na hindi naman lohikal at base lamang sa poot o pagiging panatiko. Maybe then we’d TOTALLY ERASE breeds of Mocha Uson! (I daresay her name because darn, right?)
Suntok sa buwan? Siguro, kung ikaw mismo ang unang mag-give up na sa ideya na 'to.
Well, ayun lang. End of churva. Adios!
The Death of Conversations. An eminent reality in the Philippines. #drawing #illustration #philippinepolitics #smartshaming
@rappler on #SmartShaming. Full article: http://www.rappler.com/views/imho/109333-smart-shaming