Ito na naman ako, hawak ang tanging sandata ko.
Pilit na pinaglalaban, pilit na tumatayo.
Hindi ko alam kung ilan pang talata ang maisusulat ko,
dahil kahit anong salita ang bigkasin ko,Ā
Minsan gusto kong isiping nananaginip lang ako,
isang malaking bangungot, para bang akoāy nalulunod.
Wala akong makita, kundi ang aking anino
Puno Ā ng dilim kahit pa mataāy idilat ko.
Ngunit kahit pala pagkagising ko, nagiisa padin pala ko.
Wala pading nagbago, at wala pading mababago.
Nandito padin ako sa isang sulok ng aking kwarto,
Pilit na sumisigaw at pilit na sinasabing pagod na ako.
Subalit hindi matapos tapos ang mga salita ko para sayo,
Para bang lahat ay patungkol padin sayo.
Siguro ngaāy hindi tayo magkaparehas ng tibok ng puso,
Dahil gusto mo lang ako at hindi ang mga katagangĀ āMahal mo din akoā.
Wala naman akong magagawa kung hindi mo kayang ipaglaban to,
dahil sino ba naman ako para sayo.
Isang hamak na tagatanggap lang ng binibigay mo.
Hindi ako nagreklamo, wala akong ginugusto.
Pero minsan akoāy napatanong sa sarili ko,
karapat dapat bang ito lang ang natatanggap ko.
Tama bang ipagpatuloy ko pa to?
Tama pa din bang nasasaktan ako?
Hindi ako nagagalit sayo kundi sa sarili ko.
Sobra akong nagmahal kahit ganun lang ang natatanggap ko.
Siguro ngaāy nakampante ka na nandiyan lang ako.
lalo naāt nakikita kitang masaya kahit pa wala ako.
Sa tuwing nagtatawanan kayo na dapat na kasama din ako.
Na dapat na nasa tabi mo.
Hinihintay ko lang maubosĀ ātong mga salitang maitutugma ko sayo.
Hinihintay ko lang mapagod at masira nalang tong sandata ko.
Ngunit ngayong masyado pang puno tong nararamdaman ko,
Umasa kang may susunod pang mga tula at hindi pa āko sumusuko para sayo.