Matagal na kitang gusto ipaglaban, at sa tingin ko naman ipinaglaban na kita, maraming beses na rin.
Gusto ko ipaglaban yung atin, lalo na yung pangarap nating "nasa isang college/university lang tayo" at "gagraduate tayo ng sabay."
Hindi ako naghahanap ng mga rason para hindi pumasok sa school mo.
Kasi kahit anong gawin natin, kahit pilitin ko pang ipacredit nila yung dapat icredit, 1st year parin ang bagsak ko. Back to zero. Oo gusto ko lumipat dun pero yun yung consequence, pero "nasa isang school naman tayo."
Kung okay sayo, wala akong magagawa.
Pero sakin medyo masakit lang kasi nahuhuli na ako sa mga kabatch ko, sa batch natin, which is masakit talaga, then later people, including my parents, will ask me, "bakit yan kinuha mo? ayan na ba talaga gusto mo? dapat nagLetran ka nalang, hindi ka pa first year dapat niyan", then maraming bagay ang magpprocess sa isip ko at magreresult lang into stress, kahit ano nang irarason ko siguro pilit nilang sasabihin yung gusto nila, if sasabihin ko naman na "babantayan ko siya dun at gusto ko rin kunin yung course.", dun na magsisimula yung pagkakaroon ng pagitan sakin ng mga kaibigan ko dahil kilala ko sila, siguro yan yung sakripisyong hinahanap mo.
Kung sa magulang naman, hindi ko talaga sila mapipilit, kasi kahit anong gawin ko, kung di talaga sila macoconvince, at malaman pa nilang 1st year ulit ako, mawawalan na sila ng tiwala sakin, dahil ayaw nilang sayangin ko ang pera namin, knowing na nawawalan na rin ng pag-asa tatay ko sa negosyo niya. Ipinaglaban ko, sinabi ko lahat ng paraan maconvince sila na maganda ang FEU, and I felt it naman, yung mismong nandun na ako tuwing hinihintay kita sa loob ng 10 months ba naman nating pagkikita. Hindi na mapupunta sa isip nila na maganda ang FEU, then they will say na "ikaw pa naman ang pag-asa namin."
Kilala ako ng mga kaibigan ko at magulang ko, but they will never know me fully, cause I'm very sure, damay ka, at ayaw kong magalit na rin sila sayo dahil sa magiging desisyon ko dahil they will conclude na "lilipat lang naman talaga si Ranz dahil kay ano." Putangina ayaw ko na ng ganun, at kahit anong laban ko at sabihin ko, yun na yun, at kahit alam mong yun din ang may malaking percentage dahil nga kailangan ko magsakripisyo, ayaw kong magalit sayo pati mga kaibigan ko. Kung sa pamilya ko maiintindihan nila, pero gusto lang tlga nila is ma-fulfill ko rin yung satisfaction nila sa desisyon ko.
Sa dulo naman, "kung" yun yung desisyon ko, sana ikaw parin yung kasama ko.