June 2014.
College na ako! Ready na ang lahat, uniform, school supplies, bagong bag, sapatos at enrolment form. Excited na akong simulan ang College life ko!
Ako nga pala si Rhea Mae Gomez Narag, 16 na taong gulang. Nag-aaral ako sa Global City Innovative College ng kursong B.S. Accountancy. Unang linggo palang ng klase, ramdam ko na yung kasiyahan! Sa Gen Ed namin kung saan sama sama ang lahat ng 1st year maliban sa Hospitality Management at Tourism. Napakasaya kasi parang mga high school padin kami; tahimik nung unang araw pero pagkalipas ng ilang subjects at sandamakmak na “introduce yourself”, nagumpisa na ang ingay at kulitan!
July 2014. My birth month! Dumating ang July 9, akala ko uuwi lang ako without celebrating my birthday with them. Pero dun ako nagkamali. Yung mga naka close ko nang sobra, nag stay kami sa isang room, nag kwentuhan, kinantahan nila ako tapos biglang bumuhos yung ulan! Trivia: laging umuulan pag birthday ko. Blessing daw yun!!! Yung iba kong kaklase aalis na sana, pero hindi natuloy HAHAHA! So ayun, tinuloy namin ang celebration, bumili ng mga snacks tapos naglaro saglit.
Ito rin ang buwan kung saan napaka busy ko kasi madami akong sinalihang organization. Pangako ko kasi sa sarili ko, na dapat maging active ako ulit sa extra curriculars pero balance sa grades. Dahil naging officer na ako nung High School sa Student Council, di na ako nagdalawang isip pang sumali ulit ngayong College. Napaka busy ng kampanya. Parang nung high school lang din, kampanya bawat room, sa social media, gawa ng plataporma, meeting after class, at ang pinaka nakakakaba ay yung Meeting de abanse.
Makaraan ang ilang linggo ay nagbotohan na at inanunsyo na ang nanalo. GSSA or Global Supreme Student Association ang tawag samin. Nanalo ako bilang 1st year representative. President namin si ate Yani, VP si ate Kat, secretary si kuya Mosa, Asst Secretary si kuya Jeremy, Treasurer si ate Jaja, Auditor ate Alexa, Business Manager kuya Laya, PIO Girl ate Marella, PIO Boy si Jash, 4th year Representative ate Isay, 3rd year Representative kuya Agnus, 2nd year Representative ate Maui. (naks! Tanda ko pa haha!)
Tama kayo! Dito nagsimula ang love story namin.
Noon, tinatawag tawag ko pa siyang kuya, kasi nga 2nd year na siya, ako 1st year palang. Ilang meeting din ang lumipas bago kami naging close. Naalala ko pa, nung mag g-GM ako, biglang may nagtext saking unknown number. Naka ilang interrogate pa ako bago siya nagpakilala. Simula noon, araw-araw na kaming magkatext.
Tanda ko pa yung unang beses na nakaramdam ako ng kilig sa kanya pero hindi ko pinansin kasi nga kuya turing ko sakanya. Yun yung… Panahon ng teachers day, so siguro around September yun na nagpprepare kami, nagppanic ako kasi ung batch namin wala pang regalo para sa teachers. Nung tinext ko siya kung nasaan siya, sabi niya nasa Rockwell siya. Eh ang lola mong ignorante, hindi alam kung saan yun! HAHAHAHA! So ayun reply ko, di ko alam saan yang lugar na yan.. Ang tagal nagreply ni koya! Akala ko hindi ako pinansin eh. Maya maya, nareceive kong text nya.. direction kung papaano pumunta ng Rockwell! LOLL. As in ung baawat kanto, kung saan ako banda tatawid, tinuro nya via text! #effort. Well, walking distance lang naman ang Rockwell sa school namin pero.. mahirap ako sumunod sa mapa or direksyon! SORRY NA! So ayun, habang naglalakad ako, katext ko siya, sinasabi ko saan ako banda. Pero syempre, tumitingin din ako sa daan baka masagasaan ako! Sa mga magccomment jan na bakit di nalang tumawag, sorry poor kami. Naka unli allnet texts for 1 week lang kami lagi, no calls. HAHAHA! Pagkarating doon, sinamahan nya ako bumili ng regalo tapos bumalik na kami sa klase namin.
Ang pinaka memorable na GSSA meeting sakin eh nung August 2014, (sinulat ko pa ito sa diary ko na hindi ko na mahanap ngayon kaya di ko malagay ang exact date), yung nasa Pizza Hut kami. Working dinner kami nun. Nagulat ako nag-save na pala siya agad ng upuan sakin. Dapat tabi kami, pero ayoko kasi nahihiya ako. Ito yung time na parang unti unti nang sinasabi ng puso’t kaluluwa ko na crush ko na talaga siya!! So ayun, umupo ako sa kabilang side, tapat niya. Kasi yun nalang ang bakanteng upuan. Nilibre niya pa ako ng banana split, sinubuan niya ako ng marshmallow at fruits! Alam mo yung feeling na nakakakilig na nakakahiya. Di ko maexplain yung nararamdaman ko nun. Sa pagkakatanda ko, ito yung time na tinawag niya akong “babe”.
 Pagkaraan ng ilang araw, dami ng asaran. Gumagawa na ng fandom. Naiintriga na kung ano daw status namin. Sabi blooming daw ako lagi. LOL! Ito rin yung time na nagtatanong na siya kung may crush daw ba ako at kung sino. At ang lagi kong sinasabi, simula nung pumasok ako sa global, ang crush ko ay si kuya Kenneth Cruz! (Artista yan! Search nyo hehehe)
Leaders’ Camp! Ito yung pinaka highlight ng lovestory namin. Night before leaders’ camp, syempre magkatext kami, nagkasundo kami na tabi kami sa bus. Tapos siguro 1 hour lang yung tulog namin nun kasi ang dami naming pinaguusapan, yung topic namin lagi ay Q & A. Tapos hinamon ko pa siya na paunahan kami makarating sa school, kasi kampante akong mauuna kami nila Mangga, Carlo at Jonse kasi Taguig lang kami tapos siya Pasig, pero nauna siya! Pag akyat sa bus, nagkahiyaan. HAHAHA! Si Audrey naging katabi ko tapos siya katabi niya si Drei. Bigla siyang nagtext, “akala ko ba tabi tayo?” Pero after few minutes, tinabihan niya ako, umupo siya dun sa may nabababang upuan sa aisle ng bus. Tiniis niya yun! Sabi niya makinig daw kami ng music. Na-amaze pa ako noon kasi yung jack niya, pang dalawahang earphones! LOOOOL! Eh madali akong antukin pag nakikinig ng music, kumuha siya ng maliit na unan, nilagay niya sa balikat niya tapos pinasandal niya ako dun! WAAAAHHHH! Kilig 999999999 level HAHAHAHA! Yung antok ko nawala eh!
Madaming mga kilig part na nangyari sa leaders camp, tulad nung may activity tas choose your own group na, nagsave ulit siya ng upuan para sakin, sa tabi niya. Kaso biglang may umupo na ka-close niya din kaya ayun, sabi ko sa tapat nalang ulit ako. Marami din kaming pinanghihinayangan. Una dun, hindi kami magkateam sa major activities. Pangalawa, sabay dapat kami mag zipline, kaso hindi natuloy kasi late ako nagising.
So, nung pauwi na from camp, tabi na kami.
ITO YUN OH! Kaso di ko nasama sa pic. Basta ako katabi niya haha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sumali din ako sa Chorale. Ito ang pinakamalaking part ng lovestory namin. Simula nung nagliligawan palang, hanggang sa umabot na kami ng 1st anniversary. Yieeee! HAHA! Hindi ko tlaga itensyon sumali dito, kung hindi dahil sa kaibigan kong pinilit ako mag-audition! Pero okay lang, dahil dun, mas naging malapit kami sa isa’t isa at nagkaroon ako ng madaming friends!
I-hhighlight ko nalang yung mga nakakakilig na part.
Madalas kaming tabi kapag nagppractice. Tapos kapag break time, tinuturuan niya ako maglaro sa PSP niya. So alam niyo na ang damoves, kunwari tuturuan pero hinahawakan na yung kamay! HAHAHA! Lagi niya akong kinukulit after practice, which is yun yung kinaiinisan ko sakanya noon. Yun pala, nagpapapansin.
One time habang nagppractice sobrang nahihilo ako. Pinatabi nalang ako sa gilid para kahit di ako kasama sa mismong circle, naririnig ko padin yung pinapractice. Tuwing water break, minamassage niya ulo ko, kamay ko. Tapos nung uwian na, inalalayan niya ako nang sobra. Simula sa school hanggang Market Market yata yun, hinatid niya ako. Although kasama namin ka-chorale namin, siya lang talaga yung umakay sakin chos. Naiiyak ako nun sa sobrang hilo ko at sa sobrang gentleman niya haha!
Paguwi, kinumusta niya ako. Umigi naman agad pakiramdam ko kasi nakainom na ako ng gamot. Saglit lang kami nagkatext nung gabing yun, pero yun yung meaningful din. Dahil nga ilang beses na siyang nagtatanong kung sino crush ko at di daw siya naniniwala sa sagot ko, ayun inamin kong siya nga crush ko. Flattered naman ang koya mo. Kinabukasan lagi akong hinahanap, minsan niya pa akong sinundo mula sa class ko papuntang chorale practice. Ilang beses ko din siya tinanong kung sino crush niya, kasi alam niyo na, mahirap ang one sided love chos hahahaha! Hindi niya sinasagot, change topic agad.
Sa pantry. Magkatabi kami. Bigla niyang hinawakan kamay ko. As in holding hands. Nagulat ako. Sabi niya, “hindi ba halata na ikaw crush ko?” Pero di siya nakatingin sakin. Siguro mga isang minuto kaming magkaholding hands nang biglang mapansin ng isa naming kaibigan yung kamay namin haha!
Simula nung nagka aminan na, meron kaming gesture na ginagawa lagi kapag mag bbye na. Imbes na bbye wave lang, meron kaming side hug. Niyakap niya kasi ako one time, tapos nailang ako. Kaya sabi ko side hug nalang. (imagine nyo nalang ano yung side hug hahaha) Tapos simula nun parang nirerequire niya na sarili niyang ihahatid niya ko sa sakayan pauwi, pero ayoko kasi di niya namin obligasyon yun. Pero kapag may pinupuntahan kaming magka-block, sumasama siya. After namin mag bonding, iiwan na kami ng kaibigan namin. Date time na daw naming dalawa. Napaka supportive nga naman!
Ilang weeks kaming ganun simula noong magkaaminan. Madalas na yung paglabas, kaya di maiwasang magtanong ng mga friends namin kung nanliligaw na ba siya sakin. Hindi ko alam ang sagot. Kasi malay mo, we just enjoy the company of each other as friends. Nung pati ako naccurious na din, siya na mismo tinanong ko. Sagot niya?? “hindi ba halata?” yan nanaman tayo eh. Siya kasi yung type ng guy na Action speaks louder than Words. Pero ika nga, Words are important for confirmation. Sabi niya, simula palang daw nung nasa Pizza Hut kami, nanliligaw na siya. (malay ko ba?!) Takot daw siya umamin noon kasi baka lumayo ako.
Nakita ko naman efforts niya at di na ako nagpaligoy ligoy pa, sinagot ko siya noong October 25, 2014. Personal. Sabi nila ang ikli daw ng ligawan period namin, di man lang umabot ng years, bakit sinagot ko daw baka di ko pa gaanong kilala. Hindi naman kasi sa ligawan stage mo dapat kilalanin ng buong buo ang isang tao. Sapat na yung malaman mong mahal ka nya, nag eeffort siya para sayo, unti unti niyang pinapakilala sarili niya sayo at tinatanggap niya ang flaws mo na ikaw mismo di mo matanggap. Pinangako niya ring liligawan niya padin ako everyday kahit na kami na.
Hanggang ngayon nag eeffort padin sya. Di tulad ng ibang lalaki na kapag nakuha na nila yung matamis mong OO, wala ng effort. Simula nung naging kami, syempre mas nakilala namin ang isa’t isa, tapos sobrang dami ng napapagkwentuhan about past, then confessions. Sobrang comfortable ko sakanya. Ang dami kong secrets na sakanya ko lang nasabi. After few months legal nadin kami sa parents namin. Sobrang daming blessings sa relationship namin.
Tulad nga ng motto ng JaDine, “don’t think of what people will think of you, do what makes you happy.” Ngayon, 3 years and 4 months na kami 🙂 Don’t fake your happiness for the sake of laicos aidem.
 This slideshow requires JavaScript.
Just sharing how we became #CloseLangToCloserPa :) June 2014. College na ako! Ready na ang lahat, uniform, school supplies, bagong bag, sapatos at enrolment form.















