Finally. 😇
Dalawang buwan na mula nung officially mag-start ako sa bago kong trabaho. Umpisahan ko muna sa panahong nag-aapply apply pa lang ako....
Mula nung nagresign ako sa first company ko dito sa Abu Dhabi, sabi ko sa sarili ko, sana naman engineering position ung mapasukan ko. Pero habang tumatagal, sa dami ng naaapplyan ko, napatunayan kong medyo mahirap pa din palang makapasok sa engineering field lalo na kapag medyo baguhan dito sa UAE. Ang magiging kalaban mo ay ung mga taong highly-experienced na, o kaya naman offer na sobrang baba. Nag-apply ako sa kahit anong position na makita ko na sa tingin ko eh pasok naman ang qualifications ko, at sa mga position na hindi man ako qualified pero kapal ng mukha na lang pinanghawakan ko. 😂
Sa facebook group ko nakita yung job post na naghahanap ng “female MECHANICAL engineer”. February ko pa yun nakita, pinasahan ko ng dalawang beses pero walang feedback. Eh ano pa nga ba, hindi naman kasi ako ME 😞
Mula January hanggang April, siguro mga anim na job offers na yung natanggap ko, pero hindi ko talaga feel na igrab. Though merong iba dun na ok naman, kaso yung job conditions medyo sablay. Hanggang sa nakita ko na naman nagpost ung company na naghahanap ng “Female MECHANICAL Engineer”. Syempre, naging maka-Ginebra ako ng mga panahong yun, NEVER SAY DIE ang concept ko, kaya gora! pasa lang ulit!
Hanggang sa tinawagan nila ako for interview. Eto na nga, interview na. Talagang pang Mechanical pala yung position kasi Application Engineer for Pumps ung hanap nila. During the interview, overflowing yung confidence ko, medyo nagreview kasi ako ng konti about pumps, tapos medyo binibuhan ko yung english ko 😂 At about sa hands on naman, nakatulong din ung experience ko sa old company ko kasi costing ung pinagawa. Yung autocad naman, experience ko sa company ko sa Pinas ang nagamit ko. O diba?? Ang galing lang.
So after nun, sabi saken nung nag-interview, pupuntahan niya daw ung General Manager to give his feedback. After few minutes, tinawag na ko nung GM at sinabing “You are highly recommended by this man. So we will give you the offer letter today to expedite the visa processing.”
Ang sarap lang sa pakiramdam. Nareceive ko yung offer letter at “Application Engineer” ang job designation ko. 😊
Sobrang blessed ko lang. Sabi pa ng mga secretary, ang swerte ko daw kasi ang daming nag-aapply na mechanical engineers pero ako yung napili.
Thank you Lord for this blessing. 😇
At ngayon nga, 2 months na ako sa company na to. Medyo challenging kasi wala talaga akong background tungkol dito dati pero with the help of my superiors, araw araw my new learnings. Hopefully maging successful ako sa field na to. 😊









