My favorite sibling 😊 Sorry na kung may favoritism. Haha. Eh kasi bunso namin to eh. 😘
seen from Malaysia

seen from Canada
seen from Taiwan
seen from Germany
seen from United States

seen from Germany
seen from Italy

seen from China
seen from Romania
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from Vietnam
seen from China

seen from United States
seen from Sweden

seen from Canada
seen from United States
seen from China
My favorite sibling 😊 Sorry na kung may favoritism. Haha. Eh kasi bunso namin to eh. 😘

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
our baby boy is baby “no more”❤️😍
Kanina nag-message saken ung isa kong kapatid, si Mai, chika minute daw. Tapos nagulat ako pagkabasa ko, aba! si bebe matt pala.. ang sweet sweet naman! 😍
Tapos wala pang ilang minuto, nag-message din ang bebe matt.
At biniro ko sya kung dun napupunta ung pinadadala ko sa kanya buwan buwa..hahaha. pero syempre biro lang 😁
Nakakatuwa lang..hehe. at talagang minessage nya din ako para ibalita yun. Sobrang proud at happy ko para sa kanya. Ang bilis bilis ng panahon talaga. Dati maliliit pa kami, away-bati palagi tapos ngayon binata na sya at may naiibig na din tas ako naman eh ikakasal na..charot! hahaha. 😜
Basta I am always here to support him sa kahit anong bagay na makakapagpasaya sa kanya. And this year, sure akong matutupad ung ilan sa mga pangarap niya, ang grumaduate at makapasa sa board exam. Yey! sa wakas! Matatapos na kaming lahat na magkkapatid! Another Engineer sa family! Thank you Lord. 😇
Kanina, nakain ako. Tapos nagpunta si monai sa kusina, sabi nya saken, nagpapaalam daw ang bebe matt na aattend ng debut tas ayaw daw payagan ng nanay ko. Ang ginawa ko, tumindig ako, tas nagpunta sa salas, kunwari naghahanap ng signal sabay tanong kung anong meron. Edi un, sinabi ng bebe na debut ng bestfriend nya. Tinanong ko kung san, sabi sa Diversion daw. Sabi ko sa nanay ko, "diversion laang pala, payagan nyo na". Tapos sabi ng nanay ko, "ay overnight", sabi ko naman, "mas ayos nga un, di na gagabihin, sa umaga na". Ang nasabi nya na lang eh sa tatay ko daw magpaalam.
Sa totoo lang, naiinis na ko. Sobra na. Yung saken, kahit naiinis ako sa paghihigpit, iniintindi ko na lang. Pero wag naman pati kay matt. Kita ko ung inis sa mukha ni matt kanina eh kaya pinilit ko na ipagtanggol/kampihan sya. Ramdam ko kasi. Nakakasama ng loob. Sa totoo lang, bakit di nila kami maintindihan, hindi na 90s para sa ganitong scene. Paghigpitan na nila ako, wag lang si matt, ayoko na maramdaman nya ung sama ng loob na nararamdaman ko. Ayokong lumayo ang loob nya sa mga magulang namin, kagaya ng nararanasan ko. Gusto ko masaya, gusto ko maluwag lahat, gusto ko may TIWALA, gusto ko may SUPORTA. Yun lang naman talaga eh. Sana sa natitirang mahigit 3 taon ni matt sa college, di nya maranasan ung mga naranasan ko. Sana wala ung pressure, sana puro suporta ang maramdaman nya.
Naalala ko kanina nung nakapila kami sa counter sa KFC, nasa pinakauna na ko ng pila tas napatingin ako sa likod. Nakita ko ang daming nagdatingan, pagtingin ko sa may hagdan, nandun ang kapatid ko. Napalakas naman ang boses ko, may turo pang kasama.
Sabi ko. "ang kapatid ko!" ung eksenang akala mo ang tagal ko syang hindi nakita tas nagpalaboy-laboy sya sa kalye at may kumupkop sa kanyang iba. HAHA. Lakas maka-teleserye! Tas kita ko, nakangiti ung mga barkada nya saken, nahiya naman ako. Di ako napansin ng kapatid ko, pero ung mga kabuntot nya ang nakakita at nakarinig sa pagtawag ko. Pantanga lang. Nahiya naman ako sa ginawa ko. >_<
Dear bebe matt,
O ano? kumusta ka na? HAHAHA. Alam kong mababasa mo to, hindi man agad agad ngayon pagkapost ko, pero siguro sa mga susunod na oras? o araw? Basta, mababasa't mababasa mo to for sure. Hmmmn. Ayun, wala lang. Edi siguro alam mo na nga lahat ng nangyayari saken ano? Eh ano pa nga ba? Wala naman akong itinatago dito, at kung nababasa mo ang posts ko, okey lang naman saken. Medyo nagulat lang ako at nahiya pero atleast naman may isang tao dito sa bahay na updated at alam ang mga pinagdadaanan ko.
Medyo madrama na ga? HAHA. joke. anay tanga lang eh ano? Haha. Pero sa totoo lang eh pabor saken na nababasa mo ang posts ko kasi para ko na ding sinabi/shinare sayo ung mga bagay na gusto kong ishare sa mga taong malalapit saken, lalo pa sayo na kapatid ko. Saka malaki ang tiwala ko sayo at kahit na minsan eh nasusura ako sayo dahil ang bilis mong magalit eh natutuwa pa din naman ako sayo. At proud na proud ako sayo. Totoo. Mamatay man ako. At love kita kasi bebe kita at kahit madami na tayong babies na pamangkin, ikaw pa din ang baby para saken. Tunay. Mandiri ka na sa mga sinasabi ko pero totoo talaga.
Saka salamat sa lahat, sa pagloload mo saken pag tinetext kita, sa panlilibre mo saken MINSAN. HAHA. At pag nagyayaya ako sayo na kumain, sumama ka na kasi minsan na lang ako magyaya. Saka pag nakagraduate na ko at nagttrabaho na, bihira na tayo magkikita. Pero pag nagkatrabaho naman ako, promise bibigyan kita lagi ng allowance para may panchix ka! HAHA. joke. :D
Yun lang. Ung iba eh masyado ng madrama at nakakadiri ng ipost kaya yan na lang. Basta love kita at gusto ko, wag kang mahihiya na magshare at lumapit saken, para san pa't naging ate mo ako kahit na isip bata ako at puro kalukahan ako, maiintindihan kita. Parang dito lang din, isipin mo na lang din na tumblrista ka at ako ang follower mo, un nga lang, personal mong sasabihin saken ang mga pinagdadaanan mo. Yun naman eh kung gusto mo lang.
Yun. Are last na, Kwayet ka lang sa mga nababasa mo dito ha. Ung iba kasi eh medyo kakaiba (rated SPG! HAHA.joke). Basta. Alam ko namang naiintindihan mo ko..Yun na..Cge, sa susunod na lang ulit.
Me loves you bebe.... Mwaaaaaaah... :*

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Kanina kasabay ko si bebe matt sa jeep, paschool sya tas ako naman, mag-aayos ng thesis. Eh kaso napaaga ako sa tagpuan namin kaya sumama muna ako sa kanya papuntang school. Nakabuntot lang ako sa kanya na parang bata eh kasi ang tangkad tangkad nya. Papalapit pa lang kami sa mga kaklase nya, nakatingin na sila saken. Edi nahiya naman ako, pero ngumiti sila at bumati kaya di naman ako masyadong naOP..Katabi ko lang ang kapatid ko at pinapaypayan ko sya habang nagtetext ako tas kausap nya naman ung mga barkada nya. Nakakaaliw silang panoodin at pakinggan. Ang loloko kasi nila. Isang oras din akong nakitambay kasama sila, tas iniwan muna ako ni matt kakain daw kasi sila. Edi ang kasama ko eh ung mga girls na classmate nya. Isinasama nila ako pero nahiya naman ako kaya sabi ko okey lang ako dun sa kinauupuan ko. Pero di din nila ako iniwan kaya nakipagkwentuhan na lang ako sa kanila. Eh ung dalawa kong kausap eh classmate nya na pala nung highschool pa lang. Nakakatuwa lang kasi ang komportable nila makipag-usap, tas "ate" talaga ang tawag nila saken. Ang cute lang. :)
Eh ako naman, syempre isa lang ang gusto kong malaman kaya tinanong ko na sa kanila. Sabi ko, "may nililigawan ba si matt?" . Nagulat ako nung sumagot sila ng WALA.. tas sabi ko, "ah. lagi kasi syang may kausap sa cellphone eh".. Sabi nila, dalawa lang daw un, either ung BESTFRIEND nya, o mga tropa nyang lalaki. Nung puntong un, di na ko nagtanong. Alam ko na eh.. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, magkaayos sila nung bestfriend nya kung anumang gulong meron sa kanila. Kasi pagkakita ko pa lang kanina, alam kong may ilangan na sila eh. Pero di alam ni matt na alam ko un. Bilang ate nya, wala lang. Wala akong masabi. HAHA. Pero infairness naman, napangiti ako sa kwento ng mga kaklase nyang babae. Sabi nila, pag ginagabi daw sila, hinihintay sila ng kapatid ko kasi ayaw daw silang paglakadin ng kapatid ko ng sila lang mula school hanggang paradahan. Yun un eh. Kaya naman okey na din na ginagabi sya, ganun ang kaibigang lalaki, gentleman.:)))
Kaya sinasabi ko na talaga, swerte ng magiging gf ng kapatid ko. Galante kasi tong kapatid ko, saka maalaga at gentleman. :D
PROBLEM SETSSSS + EXAMSSSS + QUIZZESSSS + TUTORIALSSSS(?) = BASKETBALL
Basketball sa gym ng BSU MAIN at kung saan-saan. >_<
Wala naman akong karapatan na magalit sa kapatid ko kasi buhay nya un at dumaan din naman ako sa ganun. Eh pero parang sobra naman.
Ung klase nyang 7-10 lang dapat. Nagiging 7-4. OJT lang ang peg???
Naasar talaga ako kasi imbis na tumulong sya dito sa bahay eh ayun, lamiyerda ng lamiyerda. Tapos malimit pa, nagpapakabulok sa kwarto nya. Dati sobrang sipag nya, eh ngayon, Zzzzzzzzzz.......
Nakakainis..>_<
2 down. :)
Kahapon nag-enrol kami. Sabay kami ni boss pati ung iba kong mga kaklase. Habang nakapila kami sa cashier, nagtext si monai na manood daw kaming tatlo nina bebe matt ng movie. Naisip ko na isama si boss pero alam kong hiHINDI siya kaya habang nasa cashier hanggang registrar, nag-inarte ako at sabi niya sasama na daw siya kesa magalit pa ko. Tapos tinagpo namin si monai sa Baymall. Parang hindi naman siya nagulat na may kasama ako. Pinakilala ko sila sa isa't isa. Naghanap kami ng parchment paper ni monai tapos nagbyahe na kami papuntang SM. Habang nasa byahe, katabi ko si boss tas katapat namin si monai. Napansin ko na tinitingnan ni monai si boss. Siguro kinikilatis niya tapos tumitingin siya saken at ngumiti.
Dumating kami sa SM at dun naman namin tinagpo si bebe matt. Nung una di ako pinapansin ni bebe, hanggang sa pumila kami para umorder ng pagkain. Kinulbit ko si matt tapos pinakilala ko si boss. Sabi ko, "matt, si nikko nga pala, alam kong kilala mo ito.." Ngiting ngiti naman si bebe matt kay boss. Nakakatuwa lang. Kasi kilala niya naman nga un. Dahil sa aksidenteng PM na nababasa niya sa fb.
Dumating kami dun ng 1PM, tapos ang start ng movie eh 1:10. Kaya sabi ni monai magtakeout na lang daw kmi at sa sinehan namin kainin kasi lahat kami gutom na gutom na. Yung movie, ewan ko. no choice kami kasi gustong gusto ni monai panoodin un mula nung makita nya ung trailer. Mababaw kasi si monai! Moron 5 ung pinanood namin.
Habang nasa sinehan, nasa kaliwa ko si boss tas nasa kanan ko si monai at katabi naman niya si bebe matt. Nakakatawa ung pelikula. Ang daming nanonood at ang lakas ng tawanan nila. Ano pang ieexpect ko sa mga kapatid kong sobrang bababaw ng kaligayahan! Edi un, hagalpak din sa katatawa. Tawa din naman ng tawa si boss. Tapos habang nanonood, nakacross ung arms ko, kaya ang hawak ni boss eh ung kanang kamay ko. Madilim naman kaya hindi pansin ng ate ko na magkahawak kami ng kamay. HAHAHA. Eh masakit ung kanang kamay ko dahil nung opera kaya ung kaliwa na lang ang hinawakan niya.
Nakakatuwa lang. After nung movie, lights on na, eh magkahawak pa din kami ng kamay kaya sabi ko bumitaw na sya kasi makikita na ng ate ko. Haha. Parang ewan lang. After nun, naglibot kami, bumili sa supermarket, kabuntot lang kami ng mga kapatid ko. Tapos sa presnet para sa cellphone ni bebe. Nasa labas kami ng presnet, nakadungaw dun sa may gitna ng mall. Magkausap kami ni boss. Magkadikit. Tapos kumiling siya saken. Sabi ko baka makita kami ng ate ko at ni bebe matt. Sabi niya, eh ano naman daw. Sabi ko, wala lang. Kasi alam na naman nga nung dalawa kong kapatid un. Nagpunta ulit kami sa national para sa parchment ulit kasi ang arte ng ate ko. After nun, naglibot libot kami.
Nakakatuwa lang kasi nakita ni boss kung anong ugali ng mga kapatid ko. Kung gaano kami kaclose sa isa't isa at kita ko na natatawa siya sa kulitan namin. Para kasi kaming mga bata eh. Pag magkakasama kaming magkakapatid, kahit maliit na bagay tatawanan namin.
Masaya ako. Sobrang saya ko kahapon kasi isa un sa mga gusto kong mangyari. Gusto ko makilala ni bebe at ni monai si boss. Sabi ko nga, kung hindi pwede sa magulang, pwedeng sa kapatid muna. Step by step yan. Sana lang umabot talaga sa mga magulang ko. Sana matiis pa ni boss ang ugali ko. Sana di siya magsawa saken.
Pagdating namin sa bahay, parang wala lang. Alam kong napagusapan ni monai at ng isa kong ate un. Pero di nila un nabanggit sa nanay ko. Kasi alam kong naiintindihan nila ako. Hindi din nabanggit ni bebe matt un. Kasi alam kong di nila ako ipapahamak at ayaw din nilang pangaralan ako ng nanay ko. Nkakabingi lang kasi ung paulit-ulit na sasabihing "BAWAL MAGBOYFRIEND"
Pero ano pang magagawa nila, eh nandito na. Sana lang talaga pag dumating sa puntong malaman ng mga magulang ko ang totoo eh magawa nila akong intindihin. Yun lang.
Pero masaya talaga ako. Sana maulit pa ung nangyari kahapon. :)