a conversation between lovers
bakit siya lagi yung pinag-uusapan mo? diba sabi mo na siya dati ang minamahal mo? mahal na mahal mo daw siya. kahit na ilang taon, kahit na meron na siyang jowa, siya ang minahal mo. ngayon sinasabi mo na ako yung mahal mo, pero parang hindi tutoo. siya pa rin ang nasa isip mo. siya ang lagi mong kinakausap.
ano yung problema mo? ikaw ang mahal ko.
yun lang. ako ba ang mahal mo dahil mahal mo ako at ako ang nakikita mo? o ako ba ang minamahal mo dahil nakikita mo siya sa akin? kasi diba katulad ko siya? yung boses namin, yung mga gusto namin, yung ugali namin.. lagi mong sinasabi na katulad ko siya. parang nakikita mo siya sa akin, at yan lang ang bakit mo akong minamahal. ako yung stand in. ako yung replacement. malamang pagka wala na siyang jowa, doon ka titingin. hindi sa akin. doon ka titingin, sa kanya.
dahil mahal kita. mahal na mahal na mahal kita. ayaw kitang hiwalayan. pero parang siya ang mahal mo. mukhang doon ka magiging masaya. hindi sa akin, sa kanya.
hindi, ikaw ang mahal ko.
seryoso ka dyan? tutoo ba? gusto ko magiging tutoo yan. pero hindi ako naniniwala. mahal kita. pero hindi ko feel na mahal mo ako. dahil kahit na ngayon, doon ka lang sa kanya nakatingin. hindi sa akin. it was never me, and i don’t think it ever will be me. mamahalin ko kita ngayon, habang sinasabi mo na ako yung mahal mo. pero hindi ako maniniwala sa iyo. nasa isip ko na. alam ko na. siya ang mahal mo. kahit na kailan, siya ang mahal mo. at alam ko na yun, kahit noon pa.