Hindi naman sa ayaw ko dito sa lugar namin pumasok. Ayoko lang dito kasi sa tingin ko hindi ako matuto (dont get me wrong, I mean hindi ako matututong mag-isa, at sa ibang bagay..basta hindi yung tungkol sa pag-aaral). Gusto ko lang maging independent,gusto kong matutong mag-isa,yung hindi umaasa sa iba. At sa tingin ko matutulungan ko yung sarili ko na i-develop yung pagkatao ko kung medyo lalayo ako sa kinagisnan ko na puro ako asa sa magulang ko at yung pagiging takot ko na pasukin yung gusto ko. Alam ko sa sarili ko na kaya kong matupad yung mga pangarap ko. Pero magagawa ko lang to kung uunawain at susuportahan ako. Mahirap man mawalay sa pamilya pero kakayanin ko dahil ito ang gusto ko,ito ang paraan para matuto ako at para maging INDEPENDENT ako. Siguro nga maarte din ako sa pagpili ng school hahahaha kasi gusto ko talaga sa eskwelahan na maganda ang quality. At may isa pang dahilan, ito ay ang BASKETBALL (hindi basketball player huh,mismong BASKETBALL). Alam nyo kasi simula nung nagfangirl ako,may naramdaman akong kakaiba yung para bang nahikayat ka na maglaro ng basketball,hindi lang basta maglaro kundi maging isang basketball player talaga sa isang university.Gusto kong idolohin din ako ng ibang tao.Gusto kong may MAPATUNAYAN!