đ
Ang dami pang bagay na gusto kong gawin. Gusto ko magawa at maibigay lahat ng gusto ng mga magulang ko. Sobrang miss ko na sila. At gusto ko mapasaya ko sila kahit sa simpleng bagay lang. Mahal na mahal ko sila at sana matagal pa ang pagsamahan namin. Gusto ko silang yakapin pareho. Gusto kong umuwi ng pinas at the same time kumayod at kumita ng malaki para sa kanila. Hindi naman ako solong anak para gawin yun. Pero gusto ko kahit papano may maiambag ako para sa kanila. Tiis at tiyaga lang, para sa kanila naman lahat ng ito.
Kung merong isang bagay na pinanghihinayangang ko, yun ay nung umalis kami ng Pinas at di ko man lang sila nayakap at nahalikan..đ˘ Bakit ba hindi ko ginawa yun???? Nakakainis..Naiinis ako sa sarili ko.. đ sobrang miss na miss na miss ko na talaga sila at mahal na mahal na mahal ko sila.. ⤠Haaaaaaaayssss...












