alam ko kung gano ako kaswerte..♥
kahapon mga 4PM, habang nagkkwentuhan kami sa library, napag-usapan nila ang mga pami-pamilya nila, especially ung mga "nanay" nila..
si mildred(amorosa-el-corazon), nagshare sya about dun sa tampuhan nila ng nanay niya na lampas 1 week na..pero nagkaka-imikan na naman daw sila.. si rosinne, nagshare din pati si KC..ung mga kwento nila, eh about sa "samaan ng loob" ung mga ganung bagay..
habang nakikinig ako sa mga kwento nila, di ko na magawang sumabat..kasi bukod sa makati pa din ang lalamunan ko, wala akong maishare na ganun kabigat na bagay.. naisip ko na napakaswerte ko talaga na hindi ako nakakaranas ng mga ganun.. siguro ung mga simple lang na tampo (kapag di lang ako pinapayagan at pag tamad lang ako..:DDD) pero alam ko namang para saken din un.. pero bukod dun, wala eh..wala talaga.. at lalo kong naappreciate ang pamilya.. lagi silang nandyan para saken, kahit na pasaway ako, iniintindi nila ako.. at binibigay nila ang mga pangangailangan ko.. hindi sila nagsasawa sa ugali ko.. kumbaga, nandyan lang sila para itama kung anong sa tingin nilang mali, pero hindi sa puntong masasaktan nila ang damdamin ko.. mahal na mahal ko sila.. at hinding hindi ko sila ipagpapalit kahit kaninuman..=)








