KAPIT
Ito nanaman tayo
Naloko
Ilang beses pa ba?
Hanggang ma-manhid na talaga?
Ako’y isang simpleng tao lamang
Humahangad na makamtan ang pagmamahal na matagal nang inaasam
Kailangan bang mga gago ang dumating?
Yung akala mo sila na pero paasahin at saktan ka lang din pala ang kanilang hangarin.
Ilang beses mo nang binubulong sa maykapal na dumating na
May darating nga pero dumating para saktan ka
Magagalit, magtatampo sa maykapal
Bakit ganun, may mali ba sa dinasal?
Kalaunan malalaman na baka binigyan ka lang ng leksyon
Kasi nga baka hindi pa talaga tamang panahon
Ikaw lang kasi itong nagmamadali
Kaya ka tuloy nadadale
Yung nakatadhana sayo baka patuloy kang pinagdarasal
Kaya hindi ka basta basta binibigay sa iba ng maykapal
Kapit lang.
Darating din yan.
Tatagan mo loob mo
Para sa susunod.. hindi ka nanaman maloko.














