Hindi ako ung nakikita ng mga tao ngaun ... :(
ndi naman ako dating ganito.
ndi ako fashionista! halos pagtawanan pa nga ako ng mga tao nuon kasi laging malalaki ung t-shirt na sinusuot ko, laging may butas ung damit na sinusuot ko.
nuon hindi din ako marunong maglipstick. kung hindi lalampas, hindi naman papantay, hindi din ako marunong maglagay ng blush on. ung isa makapal ung isa manipis.
kumportable ako nuon sa rubber shoes lang.
pero ngaun, dumating ung panahon na pakiramdam ko napaghuhulihan na talaga ako ng panahon.
bakit hindi ko subukang magmukhang tao ngaun,(hihi :P)
hindi komo naka make up ka tinatago mo na ung kapangitan mo, natuto lang naman po ako magaus sa sarili.
hindi komo nagsuot ka ng dress na makinang at maki-party sa mga high class na tao, eh social climber ka na, natuto lang maging sociable. makibahagi makisama sa mga tao sa paligid ko.
hindi komo nka heels ka na ng mas madalas kesa sa flat shoes, nagmamataas ka na.
bawat henerasyon nagbabago. kaya kahit hindi man ako ngaun ung nakikita saakin ng mga tao nuon.
hindi pa din mawawala ung pangalang "AKO PA DIN SI BARDOTH" tsaka nanatili pa din kung anong ugali at personalidad ang meron ako nuon.