Alam mo bang hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung minahal mo ba talaga ko. Kung hindi mo ba talaga ko niloloko. Kung sineryoso mo ba talaga ko. Kahit sooooooobrang tagal na nun. Kahit soooooobrang layo mo na mula dito. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga pinag-usapan natin. Yung mga napag kasunduan natin. Na tayo lang habang buhay. Papaligayahin mo ko. Mamahalin mo ko...
Siguro yung sagot yung pakikipag-hiwalay mo sakin. Oo. Nasaktan ako nang sobra-sobra. Pero hindi ko maintindihan tong sarili ko kung bakit patuloy pa rin akong naghahabol sayo. Kung bakit hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung bawat matatamis na salita na sinasabi mo sakin. Siguro masyado lang talaga kitang mahal. Siguro masyado kong nagpa-dala sa mga pangako't mga sinasbe mo.
Gets ko na. Siguro yun nga talaga ang sagot. Hindi mo talaga ko mahal, hindi mo talaga ko sineryoso. Pinag-laruan mo lang ako. Ganun na lang ba? Nagdudusa ako habang inaalala ka! Kaso ano ka jan? Nagpapakasasa sa bago mo. Masaya kang nagmamahal ng totoo at sobra.Â
Siguro nga tama lang na kalimutan ka. Hindi ko na kaya. Masakit na. Sobra na. Ayoko nang alalahanin pa. Kelangan kong matuto sa mga ginawa mo sakin. Hindi pwede tong nagpapakatanga pa rin ako sayo. Langya ka. Tangina mo. :'(