Yayks! Hindi rin ako aware na may nag-cover din netong "Matampuhin" original song ko. Hulaan ko, naka-relate si koyaaaa. Haha. Sa totoo lang parang mas appropriate nga kung lalake ang kakanta neto eh, because of the lyrics din kasi, pag babae kasi parang ang dating e patay na patay sa kinahuhumalingan niya lol! Nagsalita! Haha.. E talaga naman, dapat kapag nagtatampo yung labidabs nyo, suyuin nyo. Walang labanan ng pride, kayo talagaaaa! Anyway, bago pa humaba yung pag iinarte ko rito na actually parang ang haba na nga ata, xD please pakinggan nyo rin si Koya Ivan Cyrus! Ang cute ng rendition nya pramis! Saka mukhang may sinusuyo si koya hihi. Again, thank you for appreciating my music!