02132015
So eto magkukwento na ko hehe. Kasi kanina, midterms namin so pagtapos ng exam pwede na lumarga. Eh maaga kami natapps sa first subj. eh 3hrs yon, tapos mga 30mims lang ata kami nag exam. Yes masaklap. Edi tambay muna sa room. Pag ganon kasi naka earphones ako tapos matutulog ako. So ayun napapasarap na yung tulog ko ng biglang may pumapalipot sa paa ko napatili na may kasamang talon talon pa ko. Hahaha oo nakakahiya ayoko kasi hinahawakan paa ko. Ugh. Pag tingin ko sa harap ko nakayuko yung classmate ko tapos nilalagyan nya ko ng anklet tapos lahat ng classmates namin pati prof andun tapos lahat sila may hawak na white chocolate na rose. Tapos may naka lagay sa board na "Advance Happy Valentine's chuva ek ek" Huhu imbis na matuwa ako sobrang namutla ako sa kahihiyan hahahahahaha mas nagulat pa sila sakin tapos tawa pa sila ng tawaaa ughh kanina pa kasi sila andun kumakanta di nila alam naka-earphone ako, sa sobrang hiya ko kinain ko nalang lahat ng chocolates hahahahahahah sabe pa niya "alam kasi namin na di ka makakapasok bukas at matutulog ka ngayon hahaha"















