HAPPY 15th MONTH, Babe!Â
458Â days na tayo babe. Naalala ko nung andito ka pa at hindi ka pa umaalis. Hindi lumilipas ang araw na hindi natin naccelebrate. May ibang magsasabi na ang monthsary ay corny na para sa highschool lang pero hindi para sa atin. Kahit 28 ka na at 22 lang ako, oops sorry. Na cecelebrate parin natin yun. Sa mga simpleng bagay at sa mga simpleng paraan natin. Katulad na lang kapag nasa bahay lang tayo, sinecelebrate natin yun while watching netflix and eating junks, minsan ipagluluto mo ako or kakain tayo ng streetfoods. O kaya naman nakahiga lang tayo nagkwekwentuhan habang nakasandal ako sayo (miss na kita dennis). Â Kung para sa iba corny, para sa akin sweet yun. Minsan naman nakakapag celebrate tayo, pumupunta tayo sa mall. Kakain at mamasyal lang. Sa ganun lang masaya na tayo, kahit walang regalo, napapasaya na natin ang isa't isa.
Dumating na nga yung sisira sa tradition natin, yun ay yun LDR, mahirap pala sya. Depressing and stressful. Pero sinusubukan ko kayanin, ay mali, kailangan ko pala kayanin para sa relasyon natin. Hanggang sa dumating na nga yung unang monthsary natin ng di magkasama, inisip ko kung paano kita mapapasaya or kung paano ko ipapakita sayo na magcecelebrate ako. Hanggang sa ayan na nga, yung cake na nilagyan ko ng kemerlu, heheh. Sana nagustuhan mo, alam kong oo kase mabait kang tao, at pag di mo nagustuhan magagalit ako. Pinicturan ko na lang sya kase hindi ko inakala na magkakaroon tayo ng chance mag skype. Nakain ko na lang yung cake di ko pa naipakita sayo sa skype. Sa simpleng bagay na nagawa ko alam kong napasaya na kita, kase kahit malayo ka gusto ko iparamdam sayo ang pagmamahal ko (corny haha).
Hindi ko naman sinabi or hindi ko naman hiniling na suklian mo ang mga ginagawa ko. Di ko din naman sinabi na kailangan gawin mo din yung ginagawa ko. Kase pag nagmamahal ka hindi mo kailangan ng kapalit. Hanggang sa umuwi ako galing trabaho, sumalubong sa akin sa kwarto yung bulaklak na galing sayo. Ang lakas maka haba ng hair babe, pakiramdam na kaligayahan na walang katapusan. May parteng malungkot ako kase alam kong magkalayo tayo. Pero masaya ang puso ko kase hindi mo kinalimutan ang araw na to. Maraming salamat sa pagtyatyaga mo sa akin at sa ugali ko. Maraming salamat sa walang sawang pagpaparamdam mo sa akin ng pagmamahal mo. Sobrang swerte ko. Sana ikaw na hanggang sa huli.Â
Minsan kahit hiyang hiya na ako sayo kase pag magkausao tayo wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Sorry babe ha, iyakin kasi ng girlfriend mo. Pero mahal na mahal ka nun. Wag ka laging ulit ulit na sabihin na wag akong maiinip maghintay sayo, kase yung pahihintay sayo, yun ang nagawa ko na proud na proud ako, kase sa relasyon natin, pagsubok ito e. Magiingat ka sa trabaho babe, at pagbubutihan mo. Wag mo kakalimutan yung mga bilin ko. Magpapakabait ka jan. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita.Â














