22 Nov 2017
After almost 3 months, I knew I was home today just before our eyes met when I sat down beside him.
I was on my way home nang bigla kaming magkita ulit ng hindi sinasadya, last night grabe yung iyak ko because of the news na plan niya na ulit mag work abroad. I prayed hard na sana kung aalis man talaga siya, sana magkaroon ng kahit konting chance na makapag usap kami. Today, my prayers were answered, after almost 3 months ngayon na lang ulit kami nag usap ng personal. Nagkakausap kami thru text/phone call pero hindi na kami ulit nagkita na planned, mostly hindi sinasadya and saglit lang dahil nagkaka salubong kami somewhere. So ayun, he approached me first. Ang tagal daw namin hindi nag usap, sobrang daldal niya pero hindi ko ma-sure kung anong nararamdaman niya habang magkausap kami. Sinubukan ko siyang kamustahin hanggang sa na confirmed ko that he really thought of going back abroad to work pero nag bago daw yung isip niya and I really wish na sana wag na nga siyang umalis. The whole time na magkatabi kami sinusubukan niya na kausapin ako ng kausapin, kahit simpleng bagay kinukwento niya. Hindi ko alam kung dahil ba awkward sa kanya or dahil baka na miss din niya akong kausap, sana. Knowing him, alam ko naman na hindi niya ako kakausapin dahil lang kailangan, hindi niya gagawin yung mga bagay na ayaw niya dahil alam ko yung temper niya. And also he gave me updates how he was for the past days. Sabi niya sa akin naki birthday daw siya sa friend niya last week near our house. Well napaisip lang ako ng konti, sumasagi pa rin kaya ako sa isip niya kahit minsan? Kagaya nga nung nag punta siya malapit sa amin, naalala niya kaya ako? Feeling ko lang kasi hindi niya ikukwento sa akin na andun siya last week kung hindi niya ako naisip kahit konti. Na curious ako lalo kung naaalala niya pa kaya ako kapag nakikita or naririnig niya yung mga associated sa akin or sa aming dalawa, siya pa naman yung tipo na alam kong napapansin lahat ng single detail na meron ako like having a new haircut or a new shoes. Sobrang dami nang instances na pinapansin niya yung mga simpleng bagay na bago sa akin, he was keen to every details of me, naiisip ko tuloy kung gaano pa kaya niya ako kadalas maisip o maalala. Something na gusto kong malaman but of course will never ask. At the end of the day wala na akong ibang nasabi kundi thank you kasi answered prayer na naman agad ulit ako. Thank you!










