JANUARY 05, 2025 WE MEET AGAIN : ) JR CUTIE : )
Today, January 07, 2025 4:52 A.M. Tuesday, night shift duty and finally Day off ko na, after 17 days of continuously working after my vacation. Anyway, Last Tuesday, January 05, 2025 past 7:00 AM, I never expect na finally after 2 months makikita na kita ulet, Hindi ko alam if anong hiwaga or is this something called destiny? Tadhana na ba ito? Pagkalabas ko after mag-logout ay makikita kita : ) , busy busyhan pa nga ako mag-hand rub ng alcohol hindi ko napansin nasa harap na kita, achuu : )papasok ka palang nun para mag-login. Hindi ko alam if muntik mo ba ako mabunggo or masagi kasi sabi mo " Ay Sorry" : ) Wala ka naman dapat ipag-sorry, pero apology accepted dahil hindi mo naman ako hinanap sa 2 months, alam mo bang palagi kang nasa back of my mind nung mga panahon hindi tayo nagkikita. Sumaya ako kasi nakita kita ulet, akala ko hindi na tayo magkikita kasi feeling ko ayaw mo ako makita haha, at iniiwasan mo din ako makita kasi never kita nakita dumaan sa hallway. iba hairstyle mo now, then nakaface mask ka din haha (black color) bakit nag-facemask ka na? may sakit ba you that day? or yan na style mo? Anyway gwapings ka pa din in my eyes, hindi ko alam if nag-gain ka ng weight kasi mukhang malaman ka haha... pero hindi naman chubby. Nakakatuwa lang and weird, lagi ang meeting place natin diyan sa login-logout machine. and this time ako naman palabas ikaw papasok ng door. Sa totoo lang wala sa hinagap ko na magkikita tayo that day, nasa isip ko lang nun after mag-logout ay umuwi na at makasakay na sa transpo, but the World/Universe have its way to bring us together haha, dito na ba papasok yung song ni Mariah Carey na We belong together. Nung nagkita tayo ulet, Did you feel something for me? Did you find me cute or pretty that day? Buti na lang maayos ako tignan that day hehe.. kaya importante talaga mag-check sa mirror kasi you can never tell if magtatagpo ang landas niyo ng iyong THE ONE, hehe so ayun nung nakaraan ko pa gustong mag-post dito kaso pagoda ako at ang dami kong iniisip, and this is my first tumblr blog post entry for this New year. Kamusta ka na kaya? nakalimutan mo na ba ako agad? Do I ever cross your mind? mamaya 7am duty ka na ulet? I Wuvv U, Kahapon yung colleague mo sa department niyo nagtingin ng mga vitamins dito, Maybe nakwento mo sa kanya ang ating meetup choz, Sana kunin mo na yung number ko, gusto kita makilala, I feel na pag naging friends tayo, you will add happiness to my Life. Sana happy ka nagkita tayo ulet. Though pakiramdam ko hindi mo na ako gustong mameet ulet. Di bale, Thank you sa cute moment nung January 05, 2025 I will treasure it in my heart. Ganun talaga hindi lahat ng gusto makukuha, ang tawag dito, maturity and acceptance. Thank you Lord, and mga Guardian Angels ko for making this happen. Iba ka talagang mag-surprise Lord : ) March 14, 2025 Friday added photos to represent my feelings.











