ang tao kapag hinayaan mong pumasok sa buhay mo at naging bahagi na ng pagkatao mo, ay parang batang nagsusulat sa isang papel gamit ang lapis. madiin niyang isusulat ang pangalan niya at kapag oras na para lumipat sa ibang pahina, makikita parin ang mga bakat na guhit ng pangalan niya.










