"Sa kanya lang naman ako nakipag-break, hindi sa inyo."
Salitang nasambit ko kagabi sa mga kaibigan nya. Ewan ko ba, ang lakas din naman kasi ng loob ko na kitain sila. Wala eh, napalapit na ko sa kanila sa totoo lang. Sila yung nakakaalam ng istorya namin. Istorya na hindi alam ng iba.
Ang higpit ng yakap sakin kagabi ni B. Sya kasi yung unang taong nakakita kung pano ako tratuhin ng di maayos ni J. Hindi kwento sa messenger o DM sa IG. Aktwal nya nakita. Kaya alam nya at naiintindihan nya kung ano man ang nararamdaman ko ngayon, kahit sinabi ko naman na okay lang ako.
Hindi ko makakalimutan yung gabing yun eh. Huling katangahan ko na sa buhay ko yun. Kaya sobrang tagos sa dibdib yung yakap sakin talaga ni B kagabi bago ako nagpaalam.
Minsan talaga napapatanong na lang ako sa sarili ko eh. Anong nangyari?
Tapos ngayon malalaman ko na para sa kanya pala di pa kami tapos, pero hayaan ko na lang muna sya sa kung anong ginagawa nya ngayon. Ano yun, babalikan na lang ako pag di na ulit sya busy? Anong klaseng shit yan? Paki-explain nga?
Marahil, isa sa dahilan ay yung parati kong sinisigurado na available ako lagi para sa kanya, kaya siguro, feeling niya madali lang naman ako balikan. Kasi andito lang naman ako eh.
Ano, ganon ganon na lang ba yun?
Hinahanap yung pake ko sayo. Nalaglag ko ata kung saan.
Yung natitirang pake sa puso ko, para na lang to sa mga taong may pake rin sakin. Tulad nila JM at B. Hingi ka sa kanila.