Pede ba muna akong Mag-uniform?
8:28am nagmamadali akong nagtap, mahirap na baka mamarkahan na naman ako ng tardiness. 8:30am dumerecho muna ng CR, tiningnan kung gaano na naman ka dry ang buhok dahil sa alinsangan at init sa labas 8:35am nakasulubong ko si leader, ang sabi nya, na register mo ba sa SPDM ung HH00 (Firmware). sagot ko, wala pa pong simulation ang OBA (Out of the Box Audit). sabi nya, isesend na daw ngayon. Ah ganun ba, Pede bang umupu muna, at magsuot ng uniform? sabe ng PC ko, pede naman. 8:37am Nagring ang phone, Sir, pede po kay Sir Robert, ask ko lang po yung Firmware, ngayon na po kase yung run nun sa line, blah blah blah. Opo ma'am wait lang po kayo, ireregister na po sa SPDM, kararating rating lang po kase ng simulation. At kararating rating ko lang din po, di pa nga po ako naguuniform oh' 8:37:58 Senior Mngr: Robet' have you checked HP firmware? It should be registered in SPDM right now. Me: Yes sir, but I'm still waiting for OBA simulation. SM: okay, hurry up. At nakalimutan ko na may kausap pala ako sa phone. 8:38:02 Manager: Robert, yung HP daw. need na sa SPDM. Send mo sakin yung check sum, send mo sakin ha. Ako: Opo opo, eto na po, kararating lang po ng result. Ay shet! may kausap pala ako sa phone, mam jena, pasagot muna nung nasa phone. 8:39 Manager: Send mo sakin yung checksum Ako: Nasend na po. 8:45 Request for SPDM Approval. Submit. Ramdam na ramdam ko ang pagkalunes ng araw na to. Pero kailangang maging kalmado. Kahit ang kausap ko kanina tatlo tatlo. Hayy.. Sarap mag mogu-mogo














