Hoy lalaking mukhang anime. Pwede ka bang mahalin? Pwede bang hindi nalang puro drawing ang paghanga ko sayo? Pwede bang totohanin natin to? Ang daming kong ganitong litrato pero hanggang litrato nalang ba tayo? Pwede bang mainlove ang isang prinsipeng naka tshirt na tulad mo sa probinsyanang tulad ko? Posible kaya yun? Pwede ba nating subukan? Pwede mo ba kong turuan magmahal ulit? Medyo nakalimutan ko na kasi yung pakiramdam ng kinikilig. Baka naman gusto mong ipaalala sakin? Sabihin mo lang lalaking mukhang anime, alam mo namang hihintayin ka ng probinsyanang deads na deads sayo. :)
Loading...














