quick note before 2021 ends
since ang tagal ko na namang magsulat, lapag ko na 'to kasi ayaw kong wala akong ma-post bago matapos ang taon. very quick note and informal lang, pero i promise na magpost ulit as soon as possible, bago siguro ako pumasok kasi ang dami kong gustong isulat, tinatamad lang talaga ako.
siguro post ko lang december dump ko, through words nga lang kasi i don't take pictures that much. pati na rin "new year's resolution" ko.
siguro simulan natin sa finals ko for the first sem. syempre, i'm finally happy na malapit nang matapos ang lahat, pero may research pa ako na sobrang crinam ko na sobrang nag flop kaya 'di ko na ulit 'yon gagawin ever. ayon. medyo dismayado sa results ng finals pero nabawi naman sa mga petas and other written works. sama ko na rin 'yung peta ko sa stats na nakakabaliw, pero kinaya naman, as usual. after that, medyo chillings na, pero may mga hinabol pa rin na reqs. nagsaya kasi mahaba-haba ang bakasyon. ayaw nang makita mga kaklase /halfjoking.
pagkatapos niyan naglaro na nang naglaro kasama ang mga bscs friends and ust friends. nagsimula na ring manood ng series, tho 'di ko alam kung ano na 'yung mga napanood ko. masaya. masaya ako ngayong december. sinusulit ko ang bawat oras at sandali ng mga libre kong panonood, paglalaro at bonding kasama ang friends and family. 'di muna iniisip 'yung school pati mga traumas na naipon, na naman. nakakasawa at nakakapagod pero gaya nga ng sabi ko, kinakaya ko lahat kasi wala pa 'to sa kalingkingan ng mga paghihirap na darating pa sa buhay ko.
ang dami kong realizations bawat araw na lumilipas. halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. ang hirap labanan ng anxiety at pag-ooverthink. ewan, ang pangit ng personality at mentality ko. sana mabago 'to sa darating na bagong taon.
ayon, medyo tumaliwas na ako sa topic na need kong malagay pero okay lang medyo wala na rin ako sa ulirat kasi medyo 3:19 AM na at ito ako gising pa rin at nagtatype para may maipost sa tumblr.
going back to our topic, natatawa ako kasi sobrang nilolook forward ko 'tong paskong 'to. as in. and yet ito 'yung paskong hinding-hindi ko makakalimutan. bakit? kasi sobrang walang laman. walang naging laman 'yung pasko ko. mas boring pa sa normal day. hindi ko na nga naalala na sobrang nilolook forward ko 'tong paskong 'to. syempre, sobrang lungkot kasi sobrang empty ko sa mismong araw ng pasko, pero okay lang kasi binigyan ako ng pera ni mommy. sa buong teenage pasko ko, ito ata 'yung pinaka-onti kong natanggap na ampaw, pero ito 'yung pinakamarami kong gastos. siguro ang pinaka nag buo ng pasko ko ay 'yung for the first time kong niregaluhan sarili ko. ewan, feel ko deserve ko naman siya somehow. dumating na siya kanina (december 29, 2021). sobrang saya ko, pero 'di ko pa nagagamit nang maayos kasi naglaro lang ako with friends. natutuwa ako kasi marunong akong humawak ng pera hahaha. kahit kulang pa sila, may plano na agad ako sa mga susunod kong pera na matatanggap (if may matatanggap pa). ang dami ko pang gustong mangyari. hays.
siguro ayon lang muna para sa dump ko this december.
2 days bago ang bagong taon. ano nga ba ang iniisip kong new year's resolution? natatawa ako kasi ilang araw ko na ring 'tong iniisip kahit na alam ko sa sarili ko na 'di ko naman magagawa. pero magseset pa rin ako. wala lang. for clout, i guess? sige, ito na:
'wag nang magcram (masis, kung binabasa mo man 'to, oo, 'di na ako magcacram. susundin ko na ang ating trello. bagong buhay time na)
matulong nang maaga (sobra na akong natatakot kasi sobrang naglalagas na 'yung buhok ko)
magbasa. magbasa. magbasa. (medyo motivated na akong magbasa dahil sa mga kapatid ko pati kay V na friend ko) btw, happy birthday kim taehyung (V) my love.
magsulat syempre ('di dapat mawawala sa aming magkakapatid ang pagsusulat. stuck in love lang ang peg. the legacy must continue)
'WAG NANG MAGSAYANG NG OPPORTUNITY (parang awa. please.)
learn more how to love myself (kasi i look like a piece of trash shit na sobrang nakakaawa so much)
learn how to socialize more? make friends sa ust huhu kaya ka natotrauma eh
listen to more music. explore genres pa
ayan na lahat siguro. kapag may nakalimutan ako, edi next december ulit hahaha. okay na 'yan inaantok na ako sabi ko quick lang pero medyo naging diary na. well diary ko 'tong tumblr. my safe space. ok. bye. night. see you next year! tingnan natin kung gaano ka ulit maggogrow, liara.