Akin.
Sa gitna ng gabi Ako ay napaisip Sa sarili ba'y may mali O sadya lamang naiinip Nasaan ka? Nasaan nga ba? Inintay ng kaytagal Bakit nga ba kay bagal? Saan ba nanggaling? Bakit di makarating? Ako rin ba'y hinahanap O may iba nang ganap Dinggin sana ang panalangin Na ika'y dumating Kelan kaya gigisingin Ang pusong napa-praning Kay sarap siguro sa damdamin Ang ika'y matagpuan Ako'y tiyak na mapapaamin Sa higit kong kasiyahan Kaya humayo ka Dito malapit sa akin Pag natagpuan ka Habang buhay sa aking piling



















