Ang dami ng nagtanong sa'kin kung okey ako, kasi parang may kulang sa'kin. Ilang tao na... siguro at least tatlong tao na ang nagsabi.
"Parang wala ka sa sarili mo, eh.."
"Iba ka na... anong problema?"
"Physically, nandito ka.. pero nahahalata eh, wala yang isip mo."
Nahihirapan lang yung tao kasi, isipin mo rin, lumipat ka sa ibang probinsya, bansa & ewan, at ang daming tao doon sa ex-home mo na naiwan. Mga kaibigan mo at syempre, pamilya. 'Di ba, mahirap? Doon ka lumaki, sila yung kasama mo, e di.. syempre, miss mo sila? Kung hindi.. wot ka? -___-"
At iyan, mga binibini at guinoo, ang nangyari sa'kin. Labing-isang taon pagkatapos kong lumipat sa ibang bansa, nakasama ko rin ang mga dati kong kaibigan at nakita ulit ang mga pamilya ko. Mga linggo lang ako doon, bitin na bitin diba. Isang linggo ako sa step-family ko. Sila, pitong taon ko silang hindi nakita. Tapos isa't kalahating linggo sa Manila, kasama ko ang mga kaibigan at tumira sa bahay ng isang lola't lolo de Alabang ko.
Ang dami ng nag-iba, yung mga landmarks, syempre.. pero mas lalo pa yung tao. Hindi na kami bata, di na kami yung mga bata na naglalaro ng patintero at taguan. Nasa collehio na, meron ng mga extra-cirric sa church, meron ng mga minamahal. Yung bahay ng lola't lolo na tinirahan ko, iba na. Sila, parang hindi tumanda... ang ganda at gwapo pa rin. Mahal na mahal at nilalambing pa rin ako. Sweet noh? Palagi pa rin inaasikaso... parang pitong taon pa rin ako.
Tapos, nakilala ko pa yung side na tatay ko. Nakilala ko yung tatay ko. Alam mo ba anong nangyayari sa tao'ng nakilala ang tatay nya na kulang sa buhay? Ang daming tanong, daming kwento... ako minahal ko si itay.
Siguro yan ang bakit nahirapan akong bumalik. Gusto kong makasama ulit and F&F (kaibigan at pamilya), hamak mo, ako lang yung umalis sa ka-barkada ko. Sila, lumaki kasamang isa't-isa.. kasi ung barkada ko, lahat kami kapit bahay. So close lagi. Tapos na-miss ko ung lola't lolo de Alabang, sila ung nagaalaga sa'kin nung pumunta si nanay sa Canada, nasa Hong-Kong ang Mami-Lola at may business si Lolo-Daddy. Ever grateful ako sa kanila, noh. Ang dami nilang tinuro sa'kin.
At ano pang dumagdag dyan ay nakilala ko yung tatay ko at yung kapatid ko. Ang bigat nun, akala mo. Dalawang beses ko lang nakita ung tatay ko. 'Tas nakilala ko rin yung dalawang pinsan ko. Hamak mo, yung isang pinsan ko, nong umalis ako, isang taon lang sya... ngayon dalagita na!
Tapos tinanong rin ako ng mga kaibigan ko dito sa Canada, "saan mo mas gusto tumira?" Mahirap yan, boys and girls! Alam ko na yung buhay ko dito, mas madali. Group A ang Canada sa terms of kayamanan ng bansa. And Pinas, group C. Nakakagulat ba? Hindi, adurrh... Ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Dito, mas mataas ang mga resources. Kung may sakit, doktor! Kailangan ng trabaho, meron! Lahat lahat, meron! Pero masarap sa Pinas, naranasan ko ang buhay doon, kahit bata pa ko nung umalis. Ang Pinoy, masarap kasama eh, gusto lagi good time. At ang lambing nila. Kung kailangan mong umiyak, nandyan... palaging nakikinig. At sarap mag-chika.. at kung may drama, humanda na kayo! Nakita mo na ba yung mga teleserye sa Pinas? REAL LIFE, pwede rin! Iba-iba ang dahilan as to saan ko gustong tumira. Basta kasama ko ang mga tao na mahal ko, masaya ako! (wew, cliche noh?)
So saan ang puso, kasama ng mga taong mahal ko.
Tangfota... ang hirap nga talaga.