Sana po, maging maganda po yung resulta ng exams nila Arlene at buong hippow family nurses. Syempre po, pati mga friends nila.
Ayan yung [main] hiniling ko sa loob ng siyam na araw. It's more of a prayer. Hindi naman kasi ako naniniwala na magsismba ka para matupad yung wish mo. Hindi naman wishing well ang simbahan e. Lalong hindi genie si Lord. Si Genie, sa imahinasyon lang. Siya, hindi.
Syempre, kasama yung friends nila. Bawal kasi selfish. Haha! Kaya dapat, kasama sila. Alam ko namang kahit di ko na sabihin ke Lord yun, makukuha nilang lahat yung positive results. In hand with that, I asked Him to bless and guide them. Bless their pencils, their shading, their hearts and minds. O di ba, lakas kong maka-Jai nang nagdasal ako? Siyempre nung 18, first day nila. Pinagdasal kong walang malate sa kanila lalo na si reyna Llavilla! Wahaha!
Actually, nung iniisip ko kung magsisimbang gabi ako, nagdadalawang isip pa ako. But this prayer came into me nung naghahapunan kami nung 15. Honestly, it served as a driving force.
Worth it and siyam na madaling araw. I always wake up by 3:05am. Magpapa init ng water tapos bihis. Lipad na. Nung unang araw nga, ang dilim sa kwarto. Iniisip ko bakit nag-aalarm yung phone ko, anong meron? Epic pa, di ko makita yung phone ko! Tumayo pa ako eh nilagay pala ni Noel sa ilalim ng unan. Tapos naalala ko nang first dawn mass na pala.
Hindi ko alam anong oras yung start. Dinig ko, four ng umaga. Pagdating ko ron, napangiti ako nang makita ko yung ilaw ng simnahan. Tapos, hala?! Ama Namin na? And that was for the first mass pala. Natuwa akong may second mass ng 4:30am.
So ayun, everyday, ganun yung routine ko. Si Granny, like what I've said sumama kanina. Second time ko na to maka buo. First time na ako lang mag-isa. Wala akong late. Fulfillment to. Hindi ko masasabing accomplishment o achievement. May mga achievements kasing di ka naman masaya. O ako lang yun dahil choosy ako? Basta ayun. Maganda ang siyam na araw na yon. Sa natawanan ko nung isang araw during Ama Namin, di ko kayo malilimutan. Hanggang ngayon kasi, natatawa ako. Haha!
I-bless po yung victims ng typhoon Sendong.
Nung third day ko to nasama. Since dun pa lang nasabi yung about sa typhoon.
Syempre po, in general.. Guide my family and friends. Salamat po sa kanila and sorry sa lahat ng kasalanan ko like .... kapag sinabi ko po lahat baka di ako maka alis ng church?
O ayan, bluff, melons, hippows, dpamilya -- ay ang dami ko pa lang kaibigan? Haha!
At syempre po, yung kalokohang 11:11 wish ko. HAHAHAHAHAHAHAHA!
Sinabi ko kung ano yung 11:11 kong wish. Wag niyo na alamin. At, oo. May tawa talaga nung sinabi ko yan. Ang joke kasi e. Saka ko na lang sasabihin kapag ang nagtanong e yung involve sa wish kong 'yan. Ooops, masabi ko kaya?
Ayon. Puro ako ayon at ayan? Haha! Merry Christmas guys!!! :)