Quitters never win. Winners never quit.
This past few days, nagdadalawang isip talaga ako kung itutuloy ko pa yung pagsali sa Cheerping Cardinals. Gusto ko din kasing sumali sa A.I. As in sobrang gusto ko talaga. Naiipit ako sa dalawang gusto ko..
Kaninang umaga, I decided to quit. Yeah, quit Cheerping Cardinals. Sobrang hirap para sakin na iwan yung passion ko. Though, passion ko din ang pagsayaw. Habol ko din kasi yung scholarship and sinasabay na nila ako sa official members. That's an honor for me. Sa A.I, walang scholarship and allowance. Pero matututo ka ng iba't ibang genre ng sayaw. Sa Cheerping Cardinals, may scholarship and allowance, tapos matututo ka pa ng iba't ibang flexibilities. Kung salihan ko na lang kaya pareho? Kaso araw araw na akong gagabihin nun sa paguwi tsaka wala akong pahinga kasi MWF yung Cheerping tapos TTHS yung A.I. Mehe.
After class, dumeretso agad ako sa gym. Moment of truth. Huhuhu. Nakita ko si Kuya Dale tapos tinanong ko kung pwede pa bang magquit. Sabi niya kausapin ko na lang daw si Kuya Marqui kasi sya yung Assistant Coach. So ayun, pinuntahan namin siya.Â
Kuya Marqui: Bakit?
Kuya Dale: Magququit na daw siya.
Kuya Marqui: *hinila ako papunta sa quarters ng Cheerping*
Coach M: Oh bakit?
Ako: Magququit po.
Coach M: Bakit?!Â
Ako: Conflict po eh.
Coach M: Bakit? May JOWA ka no?!
Ako: Wala po!
Coach M: May BF ka no?! Sino? Sabihin mo!
Ako: Wala po talaga!
Coach M: Eh bakit ka magququit?
Ako: Conflict po kasi eh.
Coach M: Hay nako kaya mo yan! *sabay labas ng quarters*
Medyo naguluhan ako sa mga oras na yun. Bigla akong nilapitan nung isang official member. Sabi nya, ayos lang naman daw na hindi ako makaattend ng mga training. Basta daw wag akong magquit. Kasi daw, malaki daw yung chance na maisama ako sa competition. As in OMG. Bigla akong nabuhayan ng dugo. Huhuhu. Ayaw lang daw ni Coach M na masira yung mga plano nya. Kasi mahihirapan daw na magbago ulit ng plans.Â
So ayun, bumalik si Coach M and Kuya Marqui para sabihin na kahit once a week na lang ako magtraining tapos dito ako sa bahay magbatak batak kasi may mga nagagawa naman na daw ako. Tsaka sayang daw talaga yung scholarship. Mehe.Â
Anong ending? Magtetraining ako sa monday! Ipupush ko na 'to! :)















