Sibat na.
Sibat na ko. Maaga pa bukas eh. Kaines. HAHAHA. Nakakatamad pa kaya pumasok, di ba? Sino bang gusto. May nangyare pa, kaya lalo ako tinamad. WTF. Nevermind. Hehe. Pero di pa naman ako matutulog, may papanuodin pa ako eh. Maaga lang ako alis dito. Tutal, wala naman na din ako ma-post. At isa pa, puro kaabnormalan ko lang ang mga pino-post ko ngayong gabi. Pag pasensyahan niyo na. Masaya nga ko eh, di ba? HAHA. /As if. Natatanga talaga ko eh. Dami pa quiz bukas. Tngena, di ko pa pala nabalot yung isa kong libro. Sa 3 araw na walang pasok. Lels. Tularan niyo ko. Buhay tamad yan. Nakakatamad naman kasi talaga. Tapos may role play pa ata kami bukas na hindi naman sinabi. Di kami prepared eh. Tsaka yung ipapa role play, yung pinabasa sa amin bilang assignment nung tuesday. Di ko naman nabasa yun eh. Di ko kasi inuwe yung libro ko, kaya anong malay ko dun. Sipag ko talaga noh? Bahala na lang. Sana magising bukas. At sana maging makabuluhan ang araw bukas at hindi nakakatamad. Simula nanaman ng isang linggong paghihirap. Goodnight guys! :) Sana konte lang gawain bukas, o WALA sana. Para makapag-tumblr ako di ba? Hehe. K, Bye na. Aales na yung abnormal.















