BISITA
Andito na naman siya.
Andito pa rin siya.
Isang hakbang palayo sakanya
Ngunit tila ba ayaw pakawala.
Bawat gising sa umaga,
Pagod at hirap sa paghinga.
Pag-asa ay di maaninag
Sa isipan ay marami bumabagabag
Dinig mo ba ang bawat yabag?
Yabag ng mga paang papalapit sa liwanag.
Andito na naman siya.
Andito pa rin siya.

















