Sinulat ko ito noong mahal pa kita.
Kasi, siguro ganun talaga pag nagmamahal. Ikaw ang nagiging salita sa tula ko. Ikaw ang kulay sa mga larawang iginuguhit ko. Ikaw ang musika na hinahanap-hanap ng kaluluwa ko.
Ikaw lang ang natatanging tumatakbo sa isip — umaga hanggang gabi, sa lahat ng oras.
Kaya nga nung umalis ka, parang iniwan din ako ng sining — parang nawalan ako ng salita, nawalan ako ng tula, nawalan ako ng kulay at pinta sa lahat ng malikha ng lapis kong pudpod na.
Wala na.
Kaya ito, ito na lang sinusulat ko.
Wala nang kulay. Wala nang buhay.
Wala na.
Sinulat ko ito noong mahal pa kita.
Oo, mahal, sinulat ko ito kanina.
-Chantal Louise Calingasan















