Ilang taon na din ang lumipas mula nang makuha ko ang sakit na to, pero wala na yatang mas sasama pa sa pinagdaanan ko nitong huling dalawa o tatlong linggo.
Ang hirap ng meron kang mag inang nadadamay sa bawat emergency kuno mo sa buhay. Ang hirap ng araw araw kang natatakot sa lahat ng bagay at sa walang katuturan ng sabay. Ang hirap ng hindi mo na alam kung saan ka ba talaga natatakot at apektado na ang lahat sa buhay mo. Ang hirap ng wala kang magawa ultimo bumili sa tindahan, magpahangin sa labas, o kahit na maligo dahil sa takot na baka abutan ka sa alanganing lagay.
Ang hirap ng gusto mo nang gumising dahil hindi mo alam kung isang masamang panaginip lang ba ang lahat.
Ang hirap kalaban ng sariling utak.
Sawakas at naka ahon ulit ako. Siguradong babaik din to sa susunod na panahon at hindi ko nanaman alam kung saan ko pupulutin ang linaw ng isipan.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
May asawa't anak na at nangangarap ng isa pang anak. Babae sana para may bagong prinsesa na ako sa buhay. Wag na natin pagusapan kung ilang taon na ako. Nasa kalendaryo pa naman.
Sa buong pamumuhay ko sa mundong ibabaw, hindi pa ako naloko o na iscam ng kahit na ano o sino.
Ngayon palang..
Yata?
Eto na nga ang kwento mga housemates..
Matagal ko nang di ginagamit Paypal account ko. Siguro mga 2017-2018 pa yata huling gamit ko nung nag aannotate pa ako. Sa paypal kasi sinesens yung bayad. Tapos after nun nung nagbalik BPO nako, di ko na sya ginagamit. Akshuli nawala na talaga sa isip ko na may Paypal ako.
Around January, sunod sunod yung email na narereceive ko about sa Paypal ko. Kesyo nagreset daw ako ng password or nagupdate ako ng number. E dahil di ko na nga sya ginagamit and alam ko naman na wala nang laman yun, di ko nalang pinapansin kasi baka kako phishing email.
For some reason, naisipan ko lang ulit sya silipin kagabi. Tapos ayun na nga, iba na yung password ko. Take note na nakasave yung password sa google account ko and pag naga update ako, sinisync ko pa din. Hehe tamad kasi ako. Wala din naman kasi akong pera lagi kaya walang mawawala. Tas ayun, nawala na din yung sinet up ko na mfa. In short, legit nga na may naghack ng paypal ko na akala ko e eme lang.
Eto ang nakakatawa.
Nung pagkatapos ko ayusin yung password and security shits, sinilip ko yung dashboard.
Tangina may laman mga nasa $34. HAHAHAHAHA
Chineck ko yung history, January 17 pinadala. Same date nung pinalitan nila yung password tapos dinisable yung MFA ko. Anong ginawa ko? Cinonvert ko agad sa peso tapos winithdraw ko agad sa gcash ko tas nag mcdo kami ng 2am kagabi tas nag chis berger party kami sa angel's. Chicken and burger ladies and gentlemen 🍗🍔
Kita nyo yang last picture? Yung may pangit na bilog na pula?
Yan ang huling ganti ng mga hacker/scammer na naisahan sa pera nila.
Masaya ako sa naging desisyon ko na umikot nalang at huwag nang tumuloy sa byahe papasok ng trabaho. Ilang taon na din kasi ang nakalipas mula nung sumaya ulit ng ganito ang pasko ko.
Taon taon naman kaming magkakasama at kahit papano ay nakakapaghanda, pero iba ang pagkapuno ng regalo sa christmas tree ngayong taon. Iba ang sarap ng handa sa hapag at iba ang pakiramdam ng saya ngayong taon.
Sa kabila ng sunod sunod na hamon ng buhay, isang munting salu-salo lang pala ang magpapahilom sa lahat ng sugat mula sa subok ng panahon.
Totoo nga ang sabi nila. Iba ang saya ng pasko pag mayroong bata sa bahay. Isang munting regalong hindi matutumbasan ng kahit na magkanong attendance bonus o double pay.
Maraming salamat sa panibagong pagkakataon na makasama ulit ang aking pamilya sa paskong ito. Maraming salamat sa panibagong pagkakataon na masilayan muli ang ngiti ng mga anghel ko sa buhay.
Sana mabuhay pa ako ng 100 years para taon taon ko pa ding masisilayan ang ngiti ng lahat.
Mababaw akong tao, alam ng 124 followers ko na porn blogs yan.
Simulan natin ang kwento 10+ years ago. Yung mga panahong tolerable pa itsura ng tumblr at hindi pa nakakadiring puno ng ads. Pwe.
Puta, tanda ko na. Kinig kayo sa dinosaur mga bata ha.
(spoiler. Ako si batman.)
Antagal kong binasa yung mga sulat ko dito noon bago ko naisipang magsulat ulit.
Maliban sa gusto kong malaman kung pano ko nakikita ang buhay ko noon, e gusto ko ding malaman kung may nabago ba sa ngayon. Meron naman kahit papano.
Amg punto ko, gusto ko lang sanang malaman kung saan at papano nagsimula ang kwentong inuman at pagmamahalang pangungupal.
Akshuli, hindi ko na din matandaan kung kelan at kung paano ako napadpad sa lugar na to e. Malamang tulad ng kabute bigla nalang din akong lumitaw at umusbong mula sa ihi ng aso.
Ilang beses ko na din sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ako babalik sa lugar na to. Dahil ito yung lugar kung saan ako matatagpuan sa pinakailalim ng buhay ko. Rock bottom in english. Naks. Kaso, eto nanaman tayo.
Ang totoo nyan, iilan lang naman talaga ang dahilan kung bakit hinihila ako pabalik ng site na to. 1, nawalan ako ng trabaho, o di kaya e hinahatak nanaman ako pababa ng mga alaga ko at andito ako para magreklamo ng kashitan ko. Ang pagkakaiba lang, alam ko na ngayon ang dahilan at tanggap ko na.
Naaalala ko wala akong alam sa pagsusulat, sa paggawa ng tula, o sa kung ano mang nauuso noon dito nung kapanuhan ko.
Ang alam ko lang, magaling ako magreklamo.
Andami kong hinanaing.
Andami kong hindi gusto sa buhay.
Andami kong gustong sabihin pero ang totoo, tikom ang bibig ko sa mukha ng totoong buhay sa labas ng pantasya.
Akala ko kasi noon sadyang wala lang talagang buhay sa loob ng apat na sulok ng paraiso ko. Akala ko ganun din maski sa labas ng mundo ko, kaya naman kada tapos ng kakapirasong sandali ng masasaya kong oras sa mundong ibabaw, e dito at dito ako bumabalik.
Safe haven ika nga.
Tangina akala ko sadboy lang talaga ako noong kabataan ko, may iba pa palang rason.
Akala ko ganun nalang ang siste ko sa panghabang buhay.
Hanggang sa nagkaroon tayo ng sense of maturity. Tapos ayun na nga, natagpuan ko ang totoong ibig sabihin ng kaligayahan at ang true meaning of life. Hihi.
Natuto tayo maging masaya.
Pero kahit anong saya ang nararamdaman at nararanasan ko, merong maliit na parte sa kaloob looban ko ang humihila sakin pabalik sa lugar na to. Sa lugar na puro reklamo at walang kamatayang lungkot.
Andaming nangyari sa mga lumipas na taon pero hindi nawala ang lungkot. Hanggang sa unti unti na ulit akong nilamon at pati ang saya na ilang taon kong pinagipunan at pinaghirapan ay unti unti nang kinain ng lungkot na parang kastilyong buhangin sa ilalim ng tirik na araw.
Doon ko naisip mga kagaguhan ko noong binata pa ako.
Madami akong pagsisisi sa buhay.
Mga maling desisyon at sablay na diskarte at kung ano ano pa. Di ko alam kung magtatagal pa ako sa mundong to para humingi ng tawad at simulang pagbutihin kaso baka nasa isip ko nalang din ang lahat. Ang alam ko lang, unti unti na akong tinatraydor ng sarili kong utak.
Tanggap ko naman na.
Tanggap ko na na may deperensya ako matapos ang ilang konsultasyon sa iba't ibang klase ng doktor. Tanggap ko na na malamang e habangbuhay na akong nenerbyosin ng walang dahilan.
Tanggap ko na.
Ako na ang bahala sa sarili ko.
Tanggap ko na ako si batman.
Mabuti nalang at wala nang nakakakilala sa akin dito.
Magtatatlong taon na din pala nung huling umubos ako ng isang tasang kape.
Hindi dahil sa ayaw ko na at nagbago na ako. Hindi na ako nagkakape dahil natatakot ako.
Hindi ko na matandaan kung anong itsura ng paligid noong unang beses na nagyari sakin to. Hindi ko matandaan kung maliwanag o makulimlim ang langit, o kung ano ang ginawa o gagawin ko palang nung araw na yun. Marami akong hindi matandaan nitong mga nakaraan, dahil na din daw sa sakit ko sabi ng doktor. Ang alam ko lang kasama ko ang anak ko nung oras na yon.
Madami akong bagay na hindi na nagagawa. O mas tamang sabihin na hindi ko na nagagawa dahil natatakot ako. Natatakot ako pag maraming tao, natatakot ako pag maraming gumagalaw sa paningin ko, natatakot ako pag masyadong maingay ang paligid, at natatakot ako ultimo pag sobrang liwanag ang paligid.
Ang masakit, madalas na din akong natatakot ng walang dahilan at hindi ko mapigilan.
Hindi na ako nakakatulog ng maaayos, hindi na din nawala ang takot sa puso at isip ko. Hindi na ako yung dating may tiwalang walang anumang bisyo o sakuna ang titibag sa katawan ko. Yung dati kong nakagawiang gawain at pampalipas oras, hindi ko na magawa dahil kinain na ako ng sarili kong utak. Madalas nakahiha at nakatulala nalang ako sa bawat pagkakataong makakatakas ako ng pahinga.
Nakakatawa talaga buhay sa mundong ibabaw. Yung mapayapang buhay na pinilit kong makuha noon gamit ang dugo at luha ko e ay muling ipanagkait nanaman sa akin sa pamamagitan ng dinaranas ko ngayon.
Ang hirap ng sakit na to.
Gusto ko lang naman magkape.
Hindi pa ako handang mawala sa katinuan para sa munting anghel ko.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Bago matapos ang taong to, gusto ko lang magbigay ng huling update bago ko tuluyang talikuran ng buong puso ang naging buhay ko dito.
Masaya ako at nabalikan ko lahat ng naging kakilala at naging parte ng buhay ko dito. Nakakatuwang balikan lahat ng alaala, at nakakatuwang makita ang mga naabot nyong lahat. Masaya ako sa kaibuturan ng puso ko para sainyo.
Hindi na ako yung dating reklamador sa buhay.
Marami pa din namang akong reklamo at marami pa ring sablay na desisyon sa buhay, pero masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Sa unang pagkakataon, natuto akong maging kuntento at nagkaroon ng tunay na kahulugan ang buhay ko.
May pamilya na ako.
May butihin at mapagmahal akong asawa at higit sa lahat, mayroon nang munting anghel na ibinigay sa buhay namin.
Kaya naman, wala nang silbi para ipagpatuloy ko pa to dahil nahanap ko na ang tunay na kahulugan ng buhay.
Wala nang Jayp.
Ako si pataytayodyan..
si marshallwolf..
si kudos..
at higit sa lahat, ako ang dating siyudad na magulo, madumi, maraming taong labas-masok, at higit sa lahat hindi perpekto dahil sa dami nang dapat ireklamo.
Ako si John Paul Palabay, at tunay na masaya na ako sa buhay ko
Kaya naman, ito na ang huling kabanata ng kwentong inuman at pagmamahalang pangungupal.
Dito na marahil magtatapos ang kabanata ng buhay ko dito.
Masaya ako na naging parte kayo ng buhay ko, at sana ay naging masaya kayo sa pagdating ko sa buhay nyo.
Maraming salamat, at paalam.
Nagmamahal, putol kamay.
Sorry, kailangan kong isingit yung joke. Utos ni direk e.
Putangina nyo buhay pa ako. Kalbo na nga lang. Laki balbas. La pa din pera. Also, pag sinabihan kayo ng baby nyo ng gusto nyang pose, sumunod kayo mga gago.
Medyo hindi na din ako nagugulat masyado sa mga biglaang liko ng mga pangyayari sa buhay ko. Medyo lang. Yung mga tipong akala ko okay na, steady nalang lahat sa paligid kasi maayos naman at masaya ako, tapos biglang “tangina mo” moments. Ayos lang. Tanggap ko nang madalas talaga mangyari ang mga kamalasan sa paligid ko at sadyang olats talaga ako sa laro ng buhay. Makapagyosi na nga lang. Shet, di na pala ako nagyoyosi. Tangina, talaga? Kelan pa? Sabi ng wala.
Pakiramdam ko nagiisa nalang ako sa mundo na wala akong mapagsabihan ng mga kashitan ko sa buhay. Ang hirap hirap. Sobrang bigat ng loob ko pero wala akong mapagsabihan, nakakagago lang.
Kasalanan ko din kahit papano e.
Pinilit kong ilayo sarili ko sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay para mabuhos ko lahat ng atensyon at oras ko sa bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.
Nakakalokong isipin na nakakahiya at nakakaawa lagay ko ngayon dahil sa ginawa kong ang akala ko e tama at magandang desisyon. Para akong winawarak sa ilang daang piraso pero wala akong mahingian ng tulong.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Hindi ko din alam kung bat buhay pa din tong lugar na to e wala namang gumagamit. Ewan ko ba. Di ko alam kung bat di ko pa mabura bura to. Walang kwenta.
Ilang beses na ba akong nangako sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako makakaranas ng gutom pero heto, nakahilata na naman ako sa gitna ng kawalan, naghihintay ng may sasagip sakin sa lahat ng problemang paulit ulit kong binabalik balikan ng di sinasadya.
Masarap ang maglaro ng usok lalo na kung busog, malamig o kaya habang tumatae.
Ilang taon na din ang nakalipas simula nung unang makatikim ako ng lason na to at ilang beses ko na ding sinabi sa sarili ko na tatalikuran ko na ang bisyo pero hindi ko pa din nagagawa, o kahit subukan man lang.
Isang araw, nagluto kami ng palpak na putahe ng gelpren ko.
Ang planong sinabawang sardinas na sana’y uulamin namin ng kinagabihang iyon ay nauwi sa tila ba lomi na walang noodles na may sobrang daming sabaw.
Masaya naman kami sa kalokohan namin kasi masarap naman siya. Sobrang dami nga lang natira. Dali dali din kaming lumabas ng bahay pagtapos kumain para magyosi.
Dapat ko sigurong sabihin kung gaano karami ang mga pusang nagkalat dito sa lugar namin kaso hindi ko na alam kung paano isisingit kaya wag nalang siguro.
Balik sa istorya.
Bale sa sobrang dami kasi ng natira sa niluto naming ulam, napagisipan naming ipakain nalang sa mga pusa at simula nung gabing iyon, kada magyoyosi ako dito sa labas ng bahay namin, lahat ng pusa dito sa lugar namin ay sinasamahan na ako at nagpapahimas sakin.
Lahat sila, nagtitipon tipon sa harap ko at nagaabang ng pagkain. Tumitingala sa akin ng may kislap sa mata na para bang isa akong diyos sa paningin nila, hinahatid ako hanggang kanto kada lumalabas ako ng disoras at pinapanood ako sa tuwing naggigitara o naguukulele ako sa labas ng bahay.
The end.
Moral ng istorya? Masarap pagsabayin ang pagyosi at paghimas ng pussy
Hindi ako kagalingang tao. Kung may isang bagay mang consistent ako sa paggawa ay hindi maipagkakailang ang sagot ay ang mga maling desisyong nagawa ko sa buhay. Ilang beses ko na din bang sinabi sa sarili ko na tama ang ginawa ko at hindi ako magsisisi? Hindi ko na din mabilang sa totoo lang dahil laging kabaliktaran ang kinalalabasan ng inaasahan kong resulta. Pero kahit ganun, sigurado ako sa isang bagay. Sigurado akong wala nang iba na sasagip sakin kundi ikaw lang. Dahil ikaw ang nagiisang tama sa mundo kong puno ng maling desisyon. At kung ako ang salbasyon mo, ikaw din ang sa akin. Ikaw lang
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Ilang beses kong dinrawing sa isip ko kung paanong diskarte ang gagawin ko para makatakas sa sumpa ng impyernong kung tawagin nila ay kolsenter at sawakas nagtagumpay din ako matapos ang tatlong taon. Sa wakas may nagawa din akong matino para sa sarili ko. Yata
Hindi ko na maalala yung huling beses na sinabihan ako ng magulang ko na masaya sila sa ginagawa ko, sa kung anong meron ako at sa kung ano ako ngayon. Etong kanina nalang ulit siguro. Simula nang magtrabaho ako, wala akong ibang inisip kundi ang maibalik lahat ng binigay nila sakin at makabawi sa mga binigay kong sakit ng ulo sa kanila. Kasabay ng medyo paghinog ng ugali ko, wala din akong ibang nasabi sa sarili ko kundi kulang pa at hindi pa din sapat ang lahat. Sobrang dami ng mga nangyari nitong mga nakaraan at hindi ko alam kung kaya pa ng pasensya ko ang mga susunod na darating. Sobrang dami.. Masaya ako na napansin din nila hirap ko. Masaya ako sa mga narinig ko. Wala na akong ibang gusto pa galing sa kanila bukod sa narinig ko. Masaya ako, nay. Maligayang kaarawan sakin