nag-uusap kami ni alex as usual habang nagbibihis siya papasok ng work.
ako: naghahanap ako ng old pics natin kanina tapos ang dami kong nabasang screenshots ng old convos natin. nung nagde-date pa lang tayo, like wala pang label, sure ka na ba agad na magwowork yung relationship natin?
siya: oo naman, di pa tayo nagde-date alam kong magwo-work na talaga tayo.
tawang tawa ko non kasi for context, magkaibigan na talaga kami ni alex before. naabutan ko siyang may jowa pa tapos nagbreak sila hanggang sa ang tagal nya ng single. noong naging single kami pareho, kinabahan na talaga lahat ng mga tao HAHAH kasi alam nilang ang lakinh chance na magkapalagayan kami ng loob. medyo ayaw nila non kasi ang messy kung di magwowork.
balik sa usapan namin, natanong ko siya uli.
ako: like kahit dati pa? gaano ka ka-sure?
siya: naaalala mo pa ba kung gano tayo ka-swak together? sure ako dati pa, kahit nung di pa tayo nagde-date. alam ko lang na kung magiging tayo, ito na talaga yon. ulit-ulit!
tapos napunta kami sa iba pang convo. mahilig sa buwan si alex, parang may tanda pa nga dati na kapag full moon, di siya makausap nang maayos eme. pero nabasa ko to sa lumang screenshot:
at totoo naman ito hanggang ngayon. ang daming mga bagay na ginagawa ni alex para sakin, para samin, para sa bubuoin naming pamilya. grabe lang hayyy, sobrang sarap sa pakiramdam.
side note: nakiusap si alex na kung pwedeng kada nagpeprep siya for work wag ko siya awayin. so di ko siya inaaway. ang ending, natuklasan namin na ako lang pala nangaaway saming dalawa 😬 sorry mahal ko HAHAHAH 😚🧿








