Aug. 19, 2025
To my August,
Hi. How are you? I miss you so bad. It's been almost 2 months since we've interacted in person, 7 months since we've had our intimate conversation, and it's been 36 months since I got attracted to you. I will always remember that day that we were together with fellow queer people gathered for an org event and just wanted to have fun. That's the time that I got more interested to you.
Kailan ka last nagka-relasyon?
Anong hinahanap mo sa future partner mo?
What are you doing before joining the org?
Dumalas ang mga pagkikita, ang pag-uusap. Shet, nahuhulog na talaga ako dito. Ang cute pa naman, pero may topak din. Bigla-biglang di sasagot sa message, tapos magpaparamdam ulit na parang walang nangyari, though aminado naman siya na hindi tama iyon. Ibang usapin pa kung anong plano niya para mabawasan iyon.
Hanggang may panahon na hindi niya ulit ako kinausap ng ilang buwan, tapos nagkita kami para sa year-end party ng mga bakla. Nabanggit na niya na may jowa na siya, pero umamin na rin ako na gusto ko na siya. Doon na ako mas naging showy sa feelings ko sa kanya.
(Ay wait mali pala ang pronoun ko dito, dapat second-person pov pala, parang kausap kita.)
Tapos nag-away tayo. Hindi mo ko kinausap ng 2 buwan. Hanggang nagyakapan na lang tayo sa Pride event, tapos break na pala kayo ng jowa mo. Umasa ulit ako. Haha pero may iba rin akong pinagdadaanan internally kaya chill lang din ako sa feelings ko sa iyo.
Mas dumalas pa ang pagkikita, pagsasama at pag-uusap natin dahil na rin sa org ganaps. Pero marami ring panahon na hindi ka na naman nagpaparamdam, mga linggo, buwan, hanggang nag-usap tayo 7 months ago na gusto mong dumistansya. Gumuho ang mundo ko.
Mas tumagal ang panahon ng di mo pagparamdam.
Sinubukan kong i-distract iyong sarili ko sa trabaho, sa travel, sa pagdo-doom scroll. Iyong 7 months, parang 7 years ang sakit. Halos walang araw na hindi kita naiisip, parang mababaliw ako sa lungkot at panghihinayang... Sa mga what ifs.
Ngayong buwan, relapse na naman ako sa iyo. Leche ka, di ka man lang sumama ulit sa ganap ng mga bakla. Kahit papano, nakaluwag ang pagsama ko at pag-catch up sa mga chismis nila. Pero iba pa rin kung nandito ka. Kasama kita. Nag-uusap lang sa buhay habang nasa dalampasigan.
Sa mga panahon na magkasama tayo, natutuwa talaga ako kasi di ko nararamdaman na mag-isa ako, at sa mga kuwentuhan natin sa buhay, marami tayong pagkakapareho. Kaya nung dumistansya ka, grabeng bigat iyong naramdaman ko. Ang lungkot-lungkot ko. Mag-isa na naman ako. Pero pasasaan man, makakaya ko rin to.
Mahal kita, at sana'y naramdaman mo iyon, kahit di man siya nasuklian sa paraan na nais ko, salamat pa rin sa lahat ng masasayang alaalang pinagsaluhan natin.
Kung mababasa mo man ito, gusto ko lang malaman kung mahal mo rin ba ako at kung bibigyan mo ba ng pagkakataon na subukan kung magwo-work? Iyon lang naman iyong greatest what if ko hahaha sana'y masagot at di pa huli ang lahat
Willing to wait, pero sana'y makausad na rin ako. Ang sakit na rin kasi.
Sa huli, sana'y nasa mas mabuting kalagayan tayo sa panahon na mababasa mo ito. Kung mababasa mo man.
I love you, my August.
Hope to see you, again.














