10.15.22 | O aking Tala O aking tala, kamusta? Sa lawak ng kalangitaβy hindi ka mag-iisa. Sa dilim wag maalintana pagkaβt sa araw-araw patuloy na kikinang, Mananatiling gabay sa aking pagpapakbay. Iyo sanang pakatandaan palagi, na kahit ano mang kadiliman ng gabi. Ikaβy magniningning, parating magbibigay sa akin ng ngiti. O aking tala, sa dinami-dami ng bituin sa tahimik na gabi. Iyong kariktan ang siyang nangingibabaw parati. Hindi mapapagod, ikaw at ikaw lamang ang itatangi. sa mga gabing kalangitaβy lumuluha. Huwag na huwag kang mababahala Akoβy mananalagin at aasa, na bukas ikaβy dudungaw at muling makikita. O aking tala, may mga gabing mas malalim sa dilim ang aking gunita. Sayo akoβy nagpapasalamat - sa pagbibigay ng kaliwanagan. Sa pagiging tanglaw patungo sa tamang daan. Ah oo nga pala, muli nang sumibol ang umaga. Ningning mo maβy pansamantalang mawawala. Lagi mong pakatandaan, ikaw pa rin ang liwanag sa tuwina. (at Diplomat Hotel Baguio City) https://www.instagram.com/p/Ck_MwNMyGAN/?igshid=NGJjMDIxMWI=











