Halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino.
Game of Thrones Daily
Noah Kahan
RMH

#extradirty
One Nice Bug Per Day

Discoholic 🪩
KIROKAZE
taylor price
I'd rather be in outer space 🛸

❣ Chile in a Photography ❣
cherry valley forever
Cosmic Funnies
NASA
Not today Justin

blake kathryn
Keni
todays bird
art blog(derogatory)
Show & Tell
seen from United States

seen from Peru

seen from Spain
seen from China

seen from Bangladesh
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Poland

seen from United States

seen from Bahrain
seen from Colombia
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Canada
seen from United States
seen from Poland

seen from Argentina

seen from United States
seen from United States
@overcaffeinatedsoul
Halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sana Nga
Na para bang nakakita ka ng multo nang magtama ang inyong mga mata.
“Baguio, of all places?” tanong nya, may kasamang pilyong ngiti. “Akala ko ba allergic ka sa pine trees at commitments?”
Nagpunta ka sa Baguio para muling mahanap ang iyong sarili, pero natagpuan mo ang taong dumurog ng puso mo.
"Nagbago na ko," ngumiti ka nang pilit, sinubukang itago ang kabog sa dibdib. “Tsaka, mas allergic ako sa closure, remember?”
Ilang taon na ba? Dalawa? Hindi ka pa nakakamove-on, pero heto na naman sya sa harap mo, may hawak na macchiato. Walang pinagbago, maliban siguro sa mga ngiti nyang hindi na ikaw ang dahilan.
“Pwede maki-share ng table? Wala nang bakante eh.” Tanong nya kahit marami pang bakanteng lamesa.
“Go lang.” Sagot mo, kasabay ng pagrolyo ng mga mata mo.
Nag-usap kayo. Tungkol sa kape, sa weather, sa kdrama, sa lore ng A Song of Ice And Fire. Random topics lang. At tulad ng dati, hindi kayo naubusan ng mapag-uusapan.
Nang maubos na ang kape nya, tumayo na sya at nagpaalam, “Sige, iwan na kita.”
“Sanay na ko,” may hapdi pa rin sa puso mo.
“Alam ko,” may bakas ng pagsisi sa kanyang boses.
Sa tagal ninyong nagkwentuhan, walang nagtanong ng ‘Kumusta ka na?’ ‘Masaya ka ba?” dahil pareho nyong iniiwasan ang katotohanan — o baka takot lang kayong malaman?
“Ingat ka.” Sabi mo, nakatingin ka lang sa kape mong tila lalong pumait, “sana hindi na tayo magkita ulit.”
Ngumiti sya sa huling pagkakataon, "Sana nga."
Walang Malisya
Malakas ang ulan sa labas pero mas malakas ang kabog sa dibdib ko. Ikaw kasi. Nakatitig ka sakin habang humihigop ng kape.
Ramdam ko kung paano mo ilapat ang mga labi mo sa tasa, at kung paano mo higupin ang kape, at kung paano mo dilaan ang natirang foam sa ibabaw.
Nakakabaliw.
“May gusto ka bang sabihin?” bulong mo, malambing at tila nagsusumamo.
Alam kong alam mo kung ano ang gusto kong sabihin. Gusto kita. Matagal na. Alam kong gusto mo rin ako.
Pero naduduwag ako. Pano kung mali ako? Pano kung ilusyon ko lang ang mga pang-aakit mo? Pinili kong ibalik sa’yo ang tanong.
“Ikaw, may gusto ka bang gawin?”
Natahimik tayo bigla. Kapwa natatakot na sumugal at masira ang pinagsamahan. Hanggang kailan ba tayo magkukunwaring walang malisya ang ating pagkakaibigan?
I finally got em all 😋
Tula
Gusto ko sana sumulat ng tula,
Kaso di ako magaling sa mga salita.
Gusto kitang alayan ng harana,
Kaso di rin ako marunong kumanta.
Ibubulong na lang sa hangin,
Ang mga nais kong sabihin.
Sana ay iyong mapansin,
Ang lihim kong pagtingin.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
📍Zaro Restobar, Puerto Princesa
Patikim ng Kape Mo
Hindi talaga ako umiinom ng kape. Pero nang yayain mo ako sa bagong bukas na coffee shop, sumama agad ako.
“Ang sarap,” sabi mo pagkahigop mo ng kape.
Hindi ko kailanman naintindihan kung anong nagustuhan mo sa mapait na inumin.
“Masarap din ‘tong sa akin,” pagpapanggap ko habang pilit na nilulunok ang pait na di naikubli ng gatas.
Tumingin ka sa akin nang may maamong ngiti, “pwede patikim ng kape mo?”
Dahan-dahan kong tinulak ang tasa papalapit sa’yo. Mahinahon mo itong inangat at nilanghap ang usok na sumasayaw. Ang paghigop mo ay isang himig, at ninamnam mo ang bawat patak.
“Mas masarap ang kape mo,” bulong mo.
Tinikman ko rin ang sa’yo. Ang pait nito ay parang karayom na tumusok sa aking dila, “Mas gusto ko ‘tong kape mo.”
Minungkahi kong magpalit tayo. At sa iyong mga mata, libo-libong bituin ang kumislap. Hindi ko talaga gusto ang kape mo, o kahit yung kape ko. Gusto ko lang makita kang masaya.
Life update: Been working out for a couple of months now. Hehe
Caldereta
Nagbakasyon ako sa Siquijor para takasan ang ingay ng Maynila. Gusto ko rin sanang matuklasan ang ganda at misteryo ng isla, pero sa isang lokal na residente ko naranasan ang tunay na mahika.
Nakilala ko siya sa isang kapehan, nakakwentuhan, at sa kanyang bahay ako ay inimbitahan.
Ipinaghanda niya ako ng masarap na hapunan, Caldereta — hindi ko sigurado kung karne ng kambing o baka o baboy. Basta, sobrang sarap. Nakakainit hindi lang ng tiyan, pati na rin ng puso.
Pagkatapos namin pagsaluhan ang masarap na hapunan, hinila niya ako sa kanyang higaan. Niyakap niya ako at hinalikan. Nagtagpo ang aming mga katawan, at aking nalasap ang kakaibang sarap na sa kanya ko lang naranasan.
Sa kalaliman ng gabi, habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, bigla akong nakaramdam ng matinding uhaw. Pumunta ako sa kanyang kusina para kumuha ng maiinom. Pagbukas ko ng ref, bumungad sa akin ang isang pugot na ulo, pamilyar ang mukha, nakita ko sa balita, iyon ang nawawalang turista.
What if you got to do everything in your life — again?

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Kahit Sandali Lang
Nakatitig ka lang sa kawalan, mabigat ang nilalaman ng iyong puso at isipan.
"Gusto mo bang pag-usapan?" tanong ng kaibigan mo habang nakaupo sa tabi mo.
"Hindi. Gusto ko lang kalimutan.." sagot mo, "kahit sandali lang."
"May magagawa ba ako para makalimot ka..” Sabi niya, puno ng pag-aalala, “kahit sandali lang?"
"Siguro kailangan ko ng distraction."
Nagmungkahi siya ng mga pwedeng gawin. Manood ng movie? Mag road trip? Mag kape sa malayo?
Pero umiling ka lang sa bawat suhestiyon niya. Hindi iyon sapat para patahimikin ang gulo sa isip mo.
"Sex tayo," sabi mo bigla.
"Ano?" tanong niya, kahit malinaw naman niyang narinig ang sinabi mo.
Humarap ka sa kanya, seryoso at mapang-akit ang iyong mga mata, "Sex tayo."
Wala nang tanong, wala nang salita. Hinalikan ka niya. At sa gitna ng inyong pagtatalik, sa wakas, tumigil ang magulong mundo mo at gumaan ang mabigat na nilalaman ng iyong puso at isipan.. kahit sandali lang.
Almost three months na kami hindi nagkikita ni jowa, feeling ko virgin na ako ulit. 😭😭😭
📍Cafe De Lusa, Coron
Sinabihan ko yung kawork ko na crush ko yung senior namin tapos 2 days later sabi niya sa senior namin na irereto niya best friend niya sa kanya (senior). Any advice for me? I feel slighted.
Maybe ikaw yung tinutukoy ni kawork na best friend nyang irereto kay senior? If hindi, ang kupal nya. Stay away from that coworker. The betrayal! If you’re that really into your senior, make your move na, invite mo mag sine or coffee or something. Hehe
📍Point of Brew Cafe, Coron
Masarap ang mga pagkain, pero yung view talaga ang binabalik-balikan ko.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
📍Mt. Espadang Bato
Organic Encounter
“Iced,” you tell the barista, pointing at your cup. “I ordered Iced Caramel Macchiato. This one is hot.”
Just then, another barista calls out your name, holding up another cup of Caramel Macchiato. It’s the iced version you actually wanted.
“I think that one’s mine,” a voice says from beside you.
You turn to see someone taking the cup you were just complaining about. Turns out, you share the same name, and you both ordered a Caramel Macchiato. The only difference is that you want it cold, and they want it hot.
After a quick switch, you grab a table together. You bond over your shared love for coffee, and you can’t help but think that maybe, just maybe, this organic encounter means you’ve found the person you’re going to share the rest of your caffeinated life with.