Sa una, wala talaga siyang prefered or 'dream' company para pag-ojthan. Sumasama siya sa mga kaibigan niya na naghahanap na ng company kasi simula na yung iba. Pumunta sila sa Manila, Metro Manila, sa Mandaluyong City, maraming company ang nakapalibot na babagay naman sa course nila. Lakad dito, lakad doon, pasa dito, pasa doon, print dito, print doon, ganun ang naging sistema nila. Napakalaki ng EDSA, mahirap makipagsapalaran, dahil sa pag-iisip na natin na 'Manila is the great place to be' doon sila una nagsipasa. Kasabay na din ng mga kaklase nilang na sa QC, at iba pang parte ng Metro Manila nagsisimula ng mag-ojt.
Makalipas ang isang linggo, wala pa ding tumatawag. Bago pa naman umaabot ng isang linggo ay nag-usap na sila na sa local na sila mag-apply baka swertehin sila at makapagsimula kaagad.
Kinabukasan nag-apply na nga silang dalawa, yung isa ay wala ng contact (pansamantala). Nagkamali pa nga sila sa paghahanap ng office, hindi masyadong kilala, wala siyang idea sa company na yun. Itunuro lang sa kanya ng kaklase niya na nagturo naman ng senior namin na nakapag-ojt na dun. Sa wakas, natuntunan din nila yung office nila. Interview na kaagad at walang kaabog-abog pasok kaagad, simula na kaagad sa Monday. Tuwang-tuwa sila, kaso local lang sila.
Pagkauwi niya, pagkatapos niya lang maglaro ng basketball. Nabasa niya na pinag-iinterview siya ng isang company sa Mandaluyong. Nalito tuloy siya, sa kabila nito wala siyang assurance na makakapasok kaagad. Kaya ang ginawa niya ay naging negative siya sa isip para wag tanggapin ang offer. Tinanggihan na nga niya ito ng tuluyan. Kesyo, kulang ang mga requirements sa school na kulang naman na talaga, walang assurance at unting buyo ng kaklase niya.
Monday, unang araw nila. Wala silang ginawa kung hindi ayusin ang office. Hanggang sa umabot ng isang linggo. Coverage kaagad, isang appetizer na muna, tapos main course ng sumunod na araw, presidential visit. Photographer ako, ako may camera kaya iwas utos din. Hanggang sa dumami na iyung coverage nila. Kasabay na din nun ay ang pagdami nila. Simula sa 2 intern naging 4, 5, 6 at naging 8.
Ilang buwan ang lumipas, parang naging bahay na niya ang office. Kung ang school ang pangalawang bahay, iyung office daw yung pangatlo. Parang nasa bahay lang daw siya, parang work at home ang peg.
Sabi nga niya sa pagtatapos ng ojt niya, tama ng tinanggihan niya ang interview na iyon. Marami daw siyang natutunan, marami talaga, maraming salamat.